ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Ika-17 Araw ng Abril, 2024
Walang pakialam si Via kung magmukha siyang tanga na umiiyak dahil lang wala siyang makuhang singkamas na may bagoong.
“Ano ba ang gusto mo? Huwag ka na umiyak,” sabi ng lalaki na si Jake.
Kahit pa sabihin na hindi naman siya nito nabangga, hindi pa rin niya makalimutan ang pagbangga sa lalaking iyon. Subalit, tiyak din niya na may hindi magandang mangyayari sa kanya kung hindi ‘yun ginawa ni Jake, pero may kaba pa rin siyang naramdaman, paano kung nahagip din siya nito? Napahawak tuloy siya sa kanyang tiyan.
“Ibibigay mo ba?” Pasinghal niyang tanong dito.
“Of course.”
“Napakabuti mong tao,” sarkastikong sabi niya.
Hindi niya kasi maiwasang isipin na sa buhay ng tao, lahat ng kabutihang ginagawa mo sa iyong kapwa ay mayroon ding kapalit.
“Ngunit, bakit?” Pagtatanong pa ni Via.
“Para masiyahan ka,”
“May gusto ka ba sa akin?” Hindi niya napigilang itanong.
“Yes. Handa nga akong pakasalan ka sa lahat ng simbahan.”
“May asawa na ako,” wika niya kahit hindi siya sigurado kung totoo ba ang kasal nila ni Nhel.
“Nilayasan mo siya?”
“Teka nga, alam mo bang hindi ako naniniwala sa pagtulong mo?” Inis niyang sabi.
“Marami na akong ginawang kabutihan sa iyo, hindi mo pa rin ba ako mapagkakatiwalaan?” Gulat nitong tanong.
“May mga motibo kasi kayo, kaya ganyan kayo umasta,” buwisit niyang sabi.
“Sobra ka bang nasaktan ng lalaking iyon? Sabihin mo sa akin ang pangalan niya at paparusahan ko siya,” mariin nitong sabi.
“Tumigil ka nga!” Gilalas niyang sabi.
Hindi niya gugustuhin na saktan ninuman ang kanyang pinakamamahal. Kahit pa sabihin na dinurog nito ang kanyang puso.
“Mahal mo talaga siya ‘no?”
“Magkakaanak ba kami kung hindi?” Sarkastikong tanong niya.
“Pero kahit hindi mo sabihin, alam kong sinaktan ka niya.”
“Lagi naman akong sinasaktan. Kahit pa ng sarili kong ama,” gigil niyang sabi.
Hindi niya alam kung bakit habang sinasabi niya iyon ay napatingin siya sa matandang lalaki na nagpakilalang ninong ni Jake.
Tiyak niya kasing hindi pa naman niya ito nakakatagpo sa kanyang buhay, subalit parang pamilyar ito sa kanya.
“Weird!” Wika niya sa sarili.
Itutuloy…
Comments