ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Ika-13 Araw ng Abril, 2024
“Mabuti naman at nandito ka, anak ko,” nakangiting sabi ni Marie.
“Ano’ng kasinungalingan ang sinabi mo sa asawa ko?!” Gigil niyang sabi.
Kahit na ano’ng taktak ang gawin niya kay Pedro Pedral, wala pa rin siyang sagot na nakuha rito.
Ang sabi kasi nito, wala rin talaga siyang ideya kung saan pupunta si Via. Basta ang nais lang nito ay magpakalayu-layo. Kahit nga si Pedro ay nagtataka rin kung bakit ganu’n na lang kapursigidong umalis ni Via.
“Mayroon ba itong nililihim?” Naitanong niya sa sarili.
Sa kaisipang iyon ay bigla siyang kinabahan. Lahat naman kasi ay malalaman niya dahil masyadong transparent si Via sa kanyang nararamdaman.
“Eh, paano kung buntis pala ito?” Naitanong niya siya sa sarili.
Sa kaisipang iyon, bigla siyang kinabahan. Parang drum na tinambol ang kanyang puso.
Iyon lang kasi ang alam niyang dahilan kung bakit ito biglang umalis.
Hindi siya papayag na hindi siya kikilalanin ng kanyang anak. Hindi pa nga niya sigurado kung buntis nga ba si Via o hindi, pero nasasabik na siyang malaman na magiging ama na siya.
“Kasinungalingan ba na paghihiganti ang dahilan kaya pinakasalan mo ang babaeng iyon? Hindi ba gusto mo lang makapaghiganti sa kanya?”
“No.”
“Sinungaling! Anyway, nandito si Mariz. See kung gaano siya kaganda?” Nakangising tanong nito.
Naningkit ang kanyang mga mata at galit na sinabing, “May asawa na ako, kaya wala akong pakialam sa kahit sinong babae!” Talagang hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng kanyang ina.
Marahas na buntong hininga ang kanyang pinawalan.
Hindi nga pala niya tunay na kilala ang kanyang ina, ayaw din kasing ilapit ni Marie ang kanyang loob sa nag-iisa niyang anak.
“Pero, ako ang nararapat sa iyo,” wika ni Mariz.
“Shut up!” Gigil niyang sabi na talagang nagpahinto rito.
Hindi siya papayag na may sinumang hahadlang sa pagmamahalan nila ni Via.
Itutuloy…
Comments