ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Marso 25, 2024
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_daf9b3ae116741b4bdfff4493dc038ad~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/bd1fd9_daf9b3ae116741b4bdfff4493dc038ad~mv2.jpg)
“Sino si Mariz?” Walang anumang tanong ni Via. Ayaw sana niyang ipahalata kay Nhel na nagseselos siya, kaya nga lang hindi niya ito mapigilan.
“My ex-fiancée,” wika nito habang nakatitig kay Via, at sabay sabing, “Jealous?”
“Hindi, ah,” pagsisinungaling niya.
Bahagyang tawa naman ang pinawalan ni Nhel habang uminit naman ang ulo ni Via dahil pansin niyang inaasar lang siya nito.
“Masama bang magselos? Eh, asawa mo naman na ako.”
Lumapad ang ngiti ni Nhel at sabay sabing, “Siyempre hindi.”
“Bakit hindi natuloy ang kasal n’yo?” Pag-uusisa ni Via.
“Dahil hindi ko siya mahal.”
“At sino naman ang mahal mo?”
Sa halip na sagutin ni Nhel ang kanyang tanong. Hinila siya nito palapit sa kanyan at sabay angkin sa labi ni Via.
“Hindi mo naman sinagot ang tanong ko.”
“Hindi naman kasi lahat dapat ay sabihin pa. Nagagawa ko namang iparamdam sa iyo, hindi ba?”
Marahan siyang tumango, pero hindi niya magawang alisin ang disappointment na kanyang nararamdaman. Mas gusto niya kasing marinig na siya ang mahal ni Nhel.
“Just trust me,”
Iyon naman talaga ang gusto niyang ibigay at gawin. Ang pagkatiwalaan upang hindi na maghirap pa ang kanyang puso. Kaya nga lang, parang may nagsasabi sa kanya na kung ganu’n ang kanyang gagawin niya, baka masaktan lang siya.
“Kailan kayo maghihiwalay?”
“Bago tayo ikasal.”
Bigla siyang natigilan. Pakiramdam niya ay ginawa lang siya nitong panakip butas. Ngunit, ang sabi naman ng kanyang isip, ‘OA lang ang kanyang nararamdaman.’ May tiwala naman siya kay Nhel.
“Basta ayoko na makikipagkita ka sa Mariz na ‘yan.”
“Okey, wifey,” malambing nitong sabi sa kanya.
Pero, parang may kakaiba sa tono nito, para kasi itong kaplastikan lang.
Itutuloy…
Comments