ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Pebrero 10, 2024
Buong akala ni Pedro, makakalimutan niya na ang sakit na kanyang nararamdaman kung mayroon siyang bagay na pagkakaabalahan.
Mula nang mamatay ang kanyang pinakamamahal na babae, pakiramdam niya mayroon ding bahagi ng kanyang katawan na namatay. Kundi lang siya nagkasakit noong araw na iyon, baka nasamahan niya pa ito.
“Limang milyon?” Hindi makapaniwalang tanong ng kanyang stepdaughter.
Nakaramdam siya ng guilt ng mga sandaling iyon. Ipinangako niya kasi sa kanyang misis na magiging mabuti siyang ama kay Via, pero paano na mangyayari iyon kung mayroon siyang kinakaharap na problema ngayon at malaki ang posibilidad na madamay pa ito.
“Bakit kayo nagkautang ng ganu'ng kalaking halaga?” Nagpa-panic na tanong nito.
Hindi alam ni Via kung paniniwalaan ba niya ang sinasabi ng kanyang tatay.
Dati, 'di rin naman gusto ni Pedro ang magkaroon ng utang, dahil aware siyang sasakit lang ang kanyang ulo kapag hindi niya ito nabayaran.
“Gusto ko lang naman kasing makalimot kaya…” matagal muna siyang nag-pause bago siya muling sumagot na, “sinugal ko ang perang inutang ko.”
“At kanino ka naman nangutang?” Pagtatanong ni Via.
Muli, hindi nakakibo si Pedro sa katanungang ibinato sa kanya ni Via.
“Tay…” inip na bulalas ng dalaga.
“Hindi ko alam. May lumapit lang sa akin at inalukan niya ako ng pera. Dahil gusto kong makabawi sa sugal, agad ko itong tinanggap.”
“Maryosep.”
“Ayoko sanang malaman mo ang ginawa ko, kaya ginusto kong makabawi. Kaya lang, lagi akong inaalat, eh.”
“Pero, hindi solusyon ang pagtatago.”
Bigla siyang natigilan sa determinasyon na naaninag niya sa kanyang stepdaughter
“At hindi mo rin naman dapat isuhestiyon na bayaran ang utang ko, dahil alam mong hindi agad tayo makakahagilap ng milyones.”
“Ako ang makikiusap sa pinagkakautangan mo. Babayaran ko siya.”
“Pero, hindi pera ang gusto niyang kabayaran.”
Maang itong napatingin sa kanya, gusto sana niyang iwasan ang mata ni Via, pero mas maigi na ring may alam ito.
“Ano?
Sinalubong niya ang tingin ng dalaga at sabay sabing, “Ikaw.”
Itutuloy…
Comments