ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Marso 3, 2024
“Fore?” Marahang tanong ni Via sa kanyang sarili.
Ayaw niya kasing paniwalaan na tatagal sila ng panghabambuhay. Hindi naman kasi sila tunay na nagmamahalan. ‘Yun mga taong tunay ngang nagmamahalan ay naghihiwalay din, sila pa kaya?
“Hindi ka naniniwala?” Tanong nito
“Hindi.”
Marahang tawa ang pinawalan nito na para bang sinasabi na iyon nga ang mangyayari. ‘Di niya alam kung bakit parang ang sakit isipin na maghihiwalay silang mag-asawa.
“Mag-asawa?”
“Gugustuhin mo pa bang magkahiwalay tayo?” Naghahamon tanong ni Nhel.
“Hindi ko pa masasagot ‘yan. Saka may boyfriend...”
“Hindi na importante ‘yun dahil hindi mo naman na mababago ang katotohanan na ako ang unang lalaki sa buhay mo at hindi ako papayag na may susunod pa.”
Madidiin ang bawat bitaw nito sa mga salitang iyon kaya naman parang gusto
niyang isipin na seryoso ito sa sinabi.
“Ikaw ba, magiging tapat ka sa akin?” Naghahamong tanong ni Via kay Nhel.
“Depende.”
Kumunot ang noo niya. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit ganu’n ang sinagot nito. Ah, hindi nga pala siya nito mahal, ang nais lang nito ay mabayaran ang utang ng kanyang Tatay Pedro.
“Sa ayaw at sa gusto mo kailangan maging tapat ka.”
“At kung hindi?” Naghahamon niyang tanong.
“Iiyak ako,” nagbabanta nitong sabi, kaya naman kumunot ng todo ang kanyang noo. Para kasing may kakaiba siyang naaaninag sa ginawa nito.
Sabi ng utak niya ay huwag niyang paniwalaan ang mga ginagawa nito dahil pinapasakay lamang siya nito.
“Hindi ka naniniwala?”
“Yes.”
Ngunit biglang nagsalubong ang kilay nito, papansinin pa sana niya ito pero nawalan na siya ng panahong magsalita dahil inangkin na nito ang kanyang labi, at laking gulat niya na walang sabi- sabing tinugon niya rin ang halik nito.
Itutuloy…
Comments