ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Pebrero 19, 2024
“May hindi tama,” wika ni Via sa kanyang sarili habang pinagmamasdan sina Tatay Pedro at Nhel Zamora.
Bigla niya tuloy natanong sa kanyang sarili na, “Nasa perpektong sitwasyon na ba ako?”
“Wala!” Buong diin niyang sabi sa kanyang sarili.
Ang dahilan kaya nagpakasal siya sa lalaking ito ay dahil bina-blackmail nito ang kanyang Tatay Pedro.
Marahas na buntong hininga ang kanyang pinawalan. Dapat sana ay magalit siya
sa binata pero hindi iyon ang nararamdaman niya ngayon.
“Iba talaga ang mayaman, ‘no?” Hindi niya maiwasang itanong dito habang makasakay sila sa Montero.
“Why?” Tanong nito habang nakatingin sa daan.
“Madali mong nakukuha ang mga bagay na gusto mo.”
“Hindi lahat.”
“Ang dali mo nga akong nakuha.”
Marahang tawa ang pinawalan nito. “Sisihin mo ang ama mo.”
“Hindi naman talaga siya sugarol. Nagkataon lang na hindi pa siya nakaka-recover sa pagkamatay ng nanay ko.”
“Masyado naman niyang minahal ang ina mo,” inis nitong sabi.
Hindi napigilan ng dalaga ang mapangiti. Kapag pinag-uusapan kasi ang lovestory ng kanyang mga magulang, hindi niya maiwasan ang kiligin.
“Paano ba naman kasi, wala raw minahal ng totoo si Tatay Pedro, kundi ang aking ina lang,” pagmamalaking sabi ng dalaga.
“Damn!” wika nito sabay preno. Sa sobrang galit na kanyang naramdaman, hinampas pa nito ang manibela. Nanlisik ang mga mata nito habang nakatitig sa dalaga.
“Huwag mong asahan na magiging madali sa iyo ang lahat.”
Itutuloy…
تعليقات