ni Eddie M. Paez Jr. - @Sports | July 28, 2020
Maaaring sina Russian Fedor Gorst at Albanian Eklent Kaci ang mga nakakuha ng unang dalawang puwesto sa pinakaunang edisyon ng Predator One Pool 10 Online Challenge pero nasa puso ng mga billiards netizens ang Pinoy na si Jeffrey “The Bull” De Luna.
Marami ang naniniwala na hindi dapat pinigilan ng mga tagapangasiwa ng torneo ang pagpasok ni De Luna sa semifinals kung ang basehan naman ay ang pagkakamali ng organizers.
Ilan sa mga komento ay ang mga sumusunod:
“You lot are just pathetic. . . The whole tournament is a joke! How come you’re soon into whatever Jeff did and then let go of Kaci who clearly moved the ball at least an inch and he jumped on the shot so he must’ve felt it. I figure because Predator is his sponsor.”
“That is straight up wrong!!!” “So how can you disqualify a player after the Ref approved the racks?”
“I’m done watching. Forget this tournament. Its ridiculous!”
Matatandaang sa quarterfinals, maigting ang duwelong Pinoy-Austrian at sa unang sargo ay bahagyang nakaangat si Albin Ouschan sa iskor na 60-55. Sa pangalawang laro, tablang 60-60 ang resulta kaya nauwi sa tiebreaker na napagwagian ni De Luna. Dahil sa 1-1 na sitwasyon, kinailangan ng winner-take-all match. Sa puntong ito, napunta uli sa 60-60 na iskor kaya nagkaroon na naman ng tiebreaker na napanalunan ni De Luna, 40-25, kaya ito nakapasok sa semis.
Pero wala pang ilang oras ang lumilipas nang ipaulit ng mga organizers ang huling laro dahil sa “patterned racking” ni De Luna. Umalma ang Pinoy at nagdesisyon ang tagapangasiwa na si Ouschan sa halip na si De Luna ang papasukin sa semifinals.
Nabalewala ang magandang performance ng Pinoy dahil sa delubyo. Nauna rito, pinadapa niya si dating World Pool Association no. 1 Jayson Shaw ng Scotland, 2-1.
Sa huli, sinabi ni De Luna na tanggap niya ang desisyon ng organizers. Ang gusto lang niya ay makapaglaro sa panahon ng pandemic. “Let’s respect the decision. I just wanna end it here.”
Comments