ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | November 8, 2023
Sobrang proud mommy si Janice de Belen sa anak niyang si Kaila Estrada na umaani ngayon nang katakut-takot na papuri dahil sa mahusay na performance nito sa Prime Video series na Linlang.
Sa kanyang Instagram Story ay nag-post si Janice ng screenshot ni Kaila in her most talked-about confrontation scene with Kim Chiu at nagbigay ng mensahe sa anak.
“@kailaestrada KALMA lang!!! Ang galing mo naman!!! (clapping hands emoji)” sey ni Janice.
'Kaaliw ang next message niya na “Dapat na ba ako matakot???”
Pero kasunod nito, “Proud of you.”
Ini-repost naman ito ni Kaila sa kanyang IGS at pabirong sabi niya sa kanyang ina, sana raw ay ibang photo na lang ang ginamit nito.
“Ma, sana ibang picture na lang, haha, thank you, love you.”
Makikita nga naman kasi sa larawan na medyo deglamorized siya at galit na galit.
Hindi naman talaga biro ang ipinakikitang husay ni Kaila bilang Sylvia sa Linlang lalo na nga ang nakakalokang confrontation scene nila ni Kim na gumaganap namang Juliana.
Hindi maipagkakailang anak nga siya nina Janice at John Estrada.
Comments