top of page
Search
  • BULGAR

Bilib na itinaob ng BINI si Taylor Swift… "IPINAKILALA PA NILA SA BUONG MUNDO 'YUNG MUSIC NATIN" — REGINE

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 20, 2024



Showbiz News

Maging si Regine Velasquez ay supporter din pala ng BINI.


Sa ulat ng ABS-CBN ay binisita ni Asia’s Songbird ang rehearsal ng tinaguriang The Nation’s Girl Group para sa upcoming concert ng mga ito.


Sa kanilang tsikahan ay nagbahagi raw ng payo sa 8 members ng BINI si Songbird.


“Kumain sila ng rice,” ang natatawang sagot ni Regine nang tanungin kung ano ang 3 tips na ibinigay niya sa BINI.


“But it’s true, kasi they need it. Kasi, ‘di ba, ‘yung rice, parang may time release. ‘Di ba parang hindi naman siya agad nag-i-spike ‘yung sugar mo. So sabi ko, ‘Kumain kayo ng rice 3 or 4 hours before the concert,'” aniya.


Isa pang payo niya ay i-enjoy lang ng grupo ang concert.


“Just enjoy it. When you're doing a concert, hindi mo mahe-help ang sarili mo. You will really enjoy it, because your audience will just give you love. Biruin mo, ikaw ang purpose mo lang is to entertain, but your audience will just ... Kung ano ‘yung energy na you’re putting out, ibabalik nila ‘yun sa 'yo, ten-fold,” aniya.


Sobrang ina-acknowledge rin ni Songbird ang mga achievements ng BINI, partikular nga ang pagkaka-dethrone ng grupo kay Taylor Swift as top artist on Spotify Philippines.


“Yes, I saw that. Natutuwa ako kasi, they’re giving life to OPM (Original Pinoy Music).


Kumbaga, hindi lang sa sarili nila, sa career nila, they're actually bringing life to our music. Tapos, ipinakilala pa nila sa buong mundo 'yung music natin,” papuri ni Regine sa grupo.


Payo pa niya sa BINI, “Just remember to be grateful. Remember that hindi naman lahat ng tao ay nabibigyan ng ganitong klaseng opportunity at it’s not always gonna be like this.”


 

KINUMPIRMA na ni Heart Evangelista na kasama siya sa cast ng international film na Infamous 6 at ayon sa aktres, sobrang excited siya about it.


“It’s a suspense-thriller,” paliwanag ni Heart tungkol sa pelikula via Instagram (IG) live session na isinagawa niya nu’ng June 18.


Ayon pa kay Heart ay sobrang kinarir niya ang pagganap sa naturang international film.


“I’ve never worked on anything so hard in my life,” aniya.


Ibinahagi rin niya na matagal na niyang natapos ang pelikula.


“This was filmed five years ago, 5 years ago na s’ya na-film, so medyo matagal na s’ya. We filmed that in China. So, I remember it was before the pandemic.


“And I didn’t think it was gonna get released, but apparently, it’s gonna get released, so I’m very, very happy about that,” dagdag niya.


Ang nasabing pelikula ay comeback film ni Heart after almost 10 years. Ang huling movie pa niya ay Felix Manalo nu’ng 2015.


Gagampanan ni Heart sa Infamous 6 ang papel na Mei at kasama niya rin dito ang mga international stars na sina Lorena Andrea, Armand Assante, Jemma Dallender, and Alana Boden, mula sa direksiyon ni Anthony Hickox.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page