top of page
Search
  • BULGAR

Bilang suporta sa madir ng gymnast… SERYE NI COCO, BOBOYKOTIN NG MGA NANAY 'PAG NAG-GUEST SI CARLOS

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 17, 2024



Showbiz News

Marami ang nagtatanong kung tuloy pa ba ang pagge-guest ni Carlos Yulo sa action seryeng Batang Quiapo (BQ) ni Coco Martin. 


Nagpahayag kasi ng interes ang two-time Olympic gold medalist sa kanyang guesting sa BQ. Alam ni Caloy na marami ang nanonood ng serye at malalaking artista na ang nag-guest dito. 


Pero sabi ng mga netizens, hindi naman masasabing asset at big deal kung mag-guest si Carlos Yulo. Dati nang top-rated ang serye dahil sa kuwento nito. Besides, hindi naman aktor si Carlos, kundi isang gymnast. Ano’ng role ang ibibigay sa kanya sa BQ?


Mukhang nahawa na si Carlos sa nobya niyang si Chloe San Jose na feeling big star at gusto ng exposure sa telebisyon. At para saan ang publicity ni Carlos gayung naka-isang buwan na nga siyang nakabalik sa Pilipinas pagkatapos ng Paris Olympics, pero hindi pa rin niya nagawang dumalaw at kumustahin ang kanyang mga magulang at mga kapatid? 


Maraming mga nanay ang tiyak na hindi manonood ng BQ kapag nag-guest si Carlos Yulo.


 

BAGAMA’T wala pang negosasyon, sakaling tanggapin nga ni John Lloyd Cruz (JLC) ang pagganap bilang Pastor Apollo Quiboloy sa pagsasapelikula ng buhay nito, ngayon pa lamang ay nagpoprotesta na ang libu-libong fans ng aktor. 


Hindi raw babagay sa magandang imahe ni Lloydie ang biopic ni Quiboloy dahil sa mga isyung kinasasangkutan ng pastor na founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC). 


Hindi raw ito makakatulong sa career ni Lloydie. Sa mga pelikulang drama at rom-com sumikat si JLC at hanggang ngayon, hindi pa rin makakalimutan ng mga moviegoers ang mga pelikula ng tandem nila ni Bea Alonzo, lalo na ang karakter nila bilang Basha at Popoy. 


Sumubok na rin ng ibang karakter si JLC sa iba niyang pelikula, at ngayon, medyo lie-low muna siya at namimili ng mga projects na tatanggapin. 


But for sure, hindi rin niya tatanggapin ang biopic ni Pastor Quiboloy kahit pa in-offer ito sa kanya.


 

PARA sa amin, unfair para kay Dominic Roque ang maakusahan na ginagamit lang niya si Kathryn Bernardo kaya madalas niyang samahan ang aktres sa mga lakad nito. 


Sabi ng mga fans, bentahe raw 'yun para kay Dominic dahil magkakaroon siya ng publicity dahil sikat si Kathryn. 


Tulad noong nai-link siya at nagkaroon sila ng relasyon ni Bea Alonzo, lahat ng lakad at kaganapan nila ni Bea ay naka-post sa socmed, kaya malaking mileage ito sa publicity ni Dominic Roque. 


Well, pinapalabas pang si Bea ang gumagastos sa kanilang mga travels abroad, kaya nalilibre na siya at sumisikat pa at pinag-uusapan ng lahat. 


Depensa ni Dominic sa isyu ng panggagamit niya kay Kathryn, matagal na silang magkaibigan ng aktres bago pa siya na-link kay Bea Alonzo. Hindi lang sila nagkaroon ng time ni Kath na magkasama sa mga lakad dahil sa sobrang busy ng schedule ng aktres at noong karelasyon pa nito si Daniel Padilla. 


Ngayon, libre na si Kath kaya bumabawi sila para ibalik ang dati nilang pagkakaibigan. 


Gayunpaman, nabibigyan ng ibang kahulugan kapag sikat na aktres ang nadidikit kay Dominic, kaya inaakusahan siya ng mga bashers. 


Pero kung tutuusin, boyfriend material si Dominic Roque dahil mabait, marespeto at self-made man na hindi dumedepende sa sinumang kanyang nakakarelasyon.


 

WALANG pakialam ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa mga bashers na nagsasabing wala siyang “K” na mapabilang sa panel of judges sa The Clash (TC). 

Iniisyu kay Ai Ai na hindi naman siya singer tulad nina Lani Misalucha at Christian Bautista na nakakaintindi ng musika at marunong kumilatis ng mga aspiring singers. 


Pero depensa ng BFF ni Ai Ai na si Arnell Ignacio, hindi naman lahat ng singers ay biritera tulad ni Regine Velasquez. Maraming viewers ang nakaka-relate kay Ai Ai na isang non-singer. Naa-appreciate ng marami ang kanyang pagiging natural at pagko-comment sa mga Clashers na ginagawa niyang comedy kaya hindi nao-offend ang mga ito. 


Kami mismo ay naaliw sa pagiging kuwela ni Ai Ai at talagang pinaghahandaan niya ang kanyang mga outfits na isinusuot sa bawat episode ng TC kaya nakakakuha siya ng atensiyon.


Marami ring hirap na pinagdaanan si Ai Ai delas Alas bago siya sumikat bilang Comedy Queen, kaya hindi siya laitera at perfectionist sa kanyang pagiging judge sa TC.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page