top of page
Search
BULGAR

Bilang paghahanda sa Bagong Taon… Mga ospital, ilalagay sa high alert – DOH

ni Lolet Abania | December 18, 2022



Ilalagay ang lahat ng mga ospital sa high alert para sa mga indibidwal na nasugatan at emergencies na maaaring maganap sa panahon ng selebrasyon ng Bagong Taon, ayon sa Department of Health (DOH).


Sa isang statement, sinabi ng DOH na kanilang imo-monitor ang mga ospital upang matiyak ang kanilang kahandaan na matugunan ang mga tinatawag na fireworks-related injuries at anumang emergencies bilang bahagi ng kanilang “Iwas Paputok” campaign.


Sa Disyembre 29, ang mga DOH officials ay bibisita sa Las Piñas Trauma Center, Jose Reyes Memorial Medical Center, East Avenue Medical Center, at Amang Rodriguez Medical Center.


Sa Disyembre 31, ang Field Implementation and Coordination Team (FICT) officials naman ay bibisita sa mga komunidad sa Luzon, Visayas, at Mindanao para masigurong ang mga pamilya ay nagdiriwang ng ligtas sa bisperas ng Bagong Taon.


Para sa Enero 1, 2023, ang DOH ay magsasagawa ng isang media forum at bibisita sa mga ospital sa Baguio City at sa paligid ng lugar para alamin ang kabuuang sitwasyon matapos ang selebrasyon ng Bagong Taon.


Samantala, mariing hinihikayat ng DOH ang mga pamilya at mga indibidwal na iwasan na ang bumili at gumamit ng paputok habang iobserba na lamang ang mga professional at organized fireworks display.


“Families can alternatively utilize loud noises from other sources, such as loud speakers, horns, percussion, pans, and pots, among many others, for a safer and more joyous holiday celebration," pahayag ng DOH.


Nanawagan din ang DOH sa mga local government units (LGUs) at private sector na suportahan ang kampanya upang makatulong na mabawasan ang bilang ng mga fireworks-related injuries at mga masasawi.


“The public can rest assured that the DOH will be proactively monitoring and conducting surveillance activities of the situation on the ground and in our hospitals to ensure that our health facilities are supported in any way or form in combating physical injuries, diseases, COVID-19, and any form of health emergency,” sabi pa ng ahensiya.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page