top of page
Search
BULGAR

Bilang ng motorcycle taxi na papasada, walang limit — PCC

ni Mylene Alfonso | May 26, 2023




Walang plano ang Philippine Competition Commission (PCC) na magpataw ng cap sa bilang ng motorcycle taxi na papayagang bumiyahe sa bansa.


Makakahikayat din umano ito ng marami pang players na pumasok sa lumalaking motorcycle taxi industry sa bansa bukod sa makikinabang dito ang mga komyuter.


Ang mga puntong ito ay ipinarating ng kinatawan ng PCC sa joint hearing ng Senate committee on public services at local government na tumalakay sa panukalang i-regulate at gawing legal ang motorcycles-for-hire para matiyak na sila ay ligtas, epektibo at abot-kayang uri ng pampublikong transportasyon.


Nang tanuning ni Senate Committee on Public Services Chairperson Grace Poe ang posibleng pagpasok ng Grab Philippines sa motorcycle taxi industry, sinabi ni PCC Executive Director Kenneth Tane na: “In terms of market situation, more players would be better for consumers.”


“If we are going to apply competition principles, no cap would be better given that it would benefit the consumers,” dagdag pa niya.


Ayon kay Poe, hindi dapat magtakda ng limitasyon kung papayagan ang iba pang kumpanya tulad ng ginagawa ng Grab sa Thailand at iba pang bansa para sa mas malayang kompetisyon.


“In terms of slots, there is no cap for motorcycles in the countries we operate,” sabi ni Grab Senior Executive Vice President Lim Yew Heng, na nakabase sa Singapore.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page