top of page
Search
BULGAR

Bilang ng mga walang trabaho, bumaba sa 3rd Quarter ng 2021 — SWS

ni Jasmin Joy Evangelista | December 16, 2021



Nasa 11.9 milyon ang mga Pinoy na walang trabaho nitong Setyembre, base sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).


Bumaba ang bilang nito kumpara sa 13.5 milyon noong Hunyo 2021.


Ayon sa SWS, naitala sa 24.8% ang adult joblessness nitong Setyembre kumpara sa 27.6% noong Hunyo.


Gayunman, kung ikukumpara noong 2019, na wala pang COVID-19 ay mas mataas pa rin ng limang porsiyento ang bilang ng mga walang trabaho.


Sa Visayas naman, bahagyang tumaas ang bilang ng mga walang trabaho kung saan mula sa 21.3% noong Hunyo ay umangat sa 22.6% nitong Setyembre.


“In rural areas, joblessness fell from 25.3% in June to 20.0% in September. The survey also showed that joblessness dropped sharply among elementary graduates, from 31.5% to 18.7%," ayon sa survey.


Ginawa ang survey noong September 12 to 16, 2021, na may face-to-face interviews sa 1,200 adults (18 years old and above) sa buong bansa--na binubuo ng tig-300 sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page