ni Angela Fernando @News | September 6, 2024
Tumaas ang unemployment rate ng 'Pinas nu'ng Hulyo, ayon sa Philippine Statistics Authority nitong Biyernes. Umabot na ang jobless rate sa 4.7%, mas mataas kumpara sa 3.1% nu'ng Hunyo.
Katumbas ito ng 2.38-milyong Pilipinong walang trabaho nu'ng Hulyo, kumpara sa 1.62-milyon na walang trabaho nu'ng Hunyo.
Samantala, nanatili sa 12.1% ang underemployment rate o 5.78-milyong Pinoy na manggagawa ang naghahanap ng dagdag na oras ng trabaho o karagdagang trabaho upang madagdagan ang kanilang kita. Ang bilang na ito ay nasa 6.08-milyon nu'ng Hunyo.
Mayroong 50.7-milyong manggagawa sa labor force nu'ng Hulyo, mas mababa kumpara sa 51.9-milyon nu'ng buwan ng Hunyo.
Opmerkingen