ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 23, 2023
Inirerekomenda ng Department of Health (DOH) sa mga magulang na pigilan ang kanilang mga anak sa paggamit ng paputok matapos tumaas ang bilang ng bagong kaso ng disgrasya kaugnay ng paputok ilang araw bago ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.
Ayon sa ulat ng DOH, apat na karagdagang kaso ang naitala mula Disyembre 22 hanggang 23. Nagdulot ito ng kabuuang bilang ng nasaktan na umabot sa walong indibidwal.
"The new cases are all boys aged 8 to 12 years, who were victims of both illegal (3) and legal (1) fireworks," ayon sa ahensya ngayong Sabado ng umaga.
"Of the total number of cases, the fireworks involved are Boga (3), Piccolo (2), 5-star (1), Baby Dynamite (1), and Goodbye Philippines (1)," dagdag pa nito.
Коментарі