top of page
Search
BULGAR

Bigyang-parangal at kilalanin ang kauna-unahang pinoy na nagtamo ng grand slam singles title

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | September 14, 2022


Sunud-sunod na pagkilala ang natamo ng bansa nitong nakaraang linggo na tunay nga namang nakatataba ng puso at nakaka-proud, ‘ika nga ngayon.


Nanalo ang Pilipinang si Alex Eala sa 2022 US Open Junior Girls’ Singles Tournament.


Si Alex, na 17 taong gulang pa lamang, ang kauna-unahang Pilipino na nagtamo ng Grand Slam singles title.


Pinarangalan siya ng Senado nitong Lunes dahil sa kanyang pagwawagi.


Patunay si Alex ng husay na taglay ng bawat Pilipino, at nawa’y magsilbi siyang inspirasyon sa ating mga kababayan, lalo na ang kapwa kababaihan at kabataan, na magpunyagi at huwag susuko sa pagkamit ng kanilang pangarap.

Mabuhay ka, Alex!


☻☻☻


Samantala, muli na namang kinilala ang Pilipinas bilang leading dive at beach destination sa Asia sa nakaraang 29th World Travel Awards na itinanghal sa Vietnam.


Pang-anim na beses nang iginawad sa atin ang leading beach destination in Asia award.

Apat na sunod na taon na rin tayong nagawaran ng Asia’s leading dive destination award.


Kinilala rin ang Intramuros bilang Asia’s leading tourist attraction. Nanaig ang Intramuros sa Angkor Temples ng Cambodia; Borobudur Temple Compounds ng Indonesia; Ha Long Bay ng Vietnam; Sengan-en at Shoko Shuseikan Museum sa Kagoshima, at Tokyo Imperial Palace sa Japan; Taj Mahal ng India; teamLab SuperNature ng Macau; Great Wall, Forbidden City, at Terracotta Warriors ng China; at Victoria Peak ng Hong Kong.


Umaasa tayong makakatulong ang mga pagkilalang ito sa muling pagbangon ng turismo sa bansa, na isa sa mga sektor na pinaka-naapektuhan ng pandemya.


☻☻☻


Ang mga tagumpay na ito ay patunay na napakagaling ng Pilipino at napakaganda ng Pilipinas.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page