ni Kuya Win Gatchalian - @Win Tayong Lahat | July 5, 2022
Ngayong aprubado na ng Department of Health (DOH) ang paggamit sa Pfizer-BioNTech vaccine bilang COVID-19 booster dose sa mga menor-de-edad na nasa 12 hanggang 17 taong gulang, mariing hinihimok ng inyong lingkod ang mga paaralan at mga lokal na pamahalaan na paghandaan na ang kanilang pagbabakuna.
Bagama’t hindi mandatory ang pagbabakuna ng mga mag-aaral, dagdag-proteksyon ang mga naturang booster shots sa kabataan. Higit na kailangan nila ito, lalo na ngayong pinaghahandaan na ng Department of Education (DepEd) ang ganap na pagbabalik ng face-to-face classes sa paparating na academic year. Bukod pa rito, mahalagang maprotektahan ang kanilang kalusugan dahil tumataas muli ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Mahalaga ang aktibong pakikilahok ng mga paaralan sa pagbabakuna ng mga menor-de-edad kontra COVID-19 upang mapadali ang pagtukoy at pag-monitor sa mga mag-aaral na maaari nang makatanggap ng bakuna, kabilang ang booster shots.
Bilang Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, mahalaga na gawin natin ang lahat ng mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, pati na rin ng mga guro at iba pang kawani, sa kanilang pagbabalik sa face-to-face classes.
May katanungan ka ba, reklamo o naisihingi ng tulong? Sumulat sa WIN TAYONG LAHAT ni Kuya Win Gatchalian, BULGAR Bldg., 538 QuezonAve., Quezon City
o mag-email sa surewin.bulgar@gmail.com
Hozzászólások