ni Jenny Rose Albason @News | October 9, 2023
Magandang balita ang sasalubong sa mga motorista dahil sa inaasahan na big-time rollback sa pump prices bukas, Oktubre 10.
Nag-anunsyo rin ang mga lokal na kumpanya ng langis ng pagbabawas ng hanggang P3.05 per liter.
Sa magkahiwalay na advisories, sinabi ng mga kumpanya na ibababa nila ang presyo ng gasolina sa P3.05 per liter habang ang diesel naman ay P2.45 per liter.
Bababa rin ang presyo ng kerosene ng P3 per liter. Ipapatupad naman ng Shell at Seaoil ang price adjustments pagsapit ng alas-6:00 ng umaga ng Martes.
Ito ay dahil sa pangamba ng mataas na interest rate na nagpababa ng global demand, ayon kay Rodela Romero, assistant director ng Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau.
Comments