top of page
Search
BULGAR

Bigtime oil price hike.. P3.50 sa diesel, P3.20 kerosene, P2.10 gasoline

ni Mai Ancheta @News | July 30, 2023




Panibagong kalbaryo ang magiging pasalubong ng unang araw ng Agosto sa publiko at sa mga motorista dahil sa nakaambang na panibagong pagtaas sa presyo ng diesel at kerosene.


Batay sa pagtaya ng mga nasa sektor ng enerhiya, aabot ng mula P3.20 hanggang P3.50 ang idadagdag sa presyo ng kada litro ng diesel habang P2.90 hanggang P3.20 naman sa kada litro ng kerosene.


Mas mababa naman ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina na mula P1.90 hanggang P2.10


Ang panibagong oil price hike ay bunsod umano sa pagtapyas sa produksyon ng langis ng Saudi Arabia at Russia na malaking pinagkukunan ng supply ng maraming bansa sa mundo.


Ayon sa forecast ng Unioil Petroleum Philippines Inc., ang price adjustment sa presyo ng produktong petrolyo ay magsisimula sa Agosto 1 hanggang 7.


Ito na ang ikatlong linggo ng sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng oil products sa bansa.



0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page