ni Mylene Alfonso @News | March 28, 2024
Nasakote ng National Bureau of Investigation-Cordillera Administrative Region (NBI-CAR), PNP Tuba MPS, PDEU/PIU, PIDMU-Benguet, PDEA-Baguio-Benguet, PDEA-CAR, RSET. at 2nd PMFC-Benguet PPO, ang may 600 kilong pinatuyong dahon ng marijuana na may halagang P72 milyon mula isang bigtime marijuana cultivator/distributor nitong Marso 22, sa Sitio Sangilo, Camp 4, Tuba, Benguet.
Ayon sa NBI-CAR, ang mga pinatuyong dahon ng marijuana na may 'talks at fruiting tops' ay nakabalot sa itim na plastic sheets at sako.
Nabatid na ang narekober na marijuana ay itinurnover sa PNP-Tuba MPS para sa dokumentasyon at para sa forensic examination sa RFU Cordillera.
Nadiskubre ng NBI na ang nabanggit na property na inuupahan ng isang Felimon at hindi alam ng may-ari na ginawa itong marijuana plantation.
Comentarios