ni Thea Janica Teh | December 1, 2020
Isang low pressure area (LPA) at tail-end ng frontal system ang magdadala ng pag-ulan sa Bicol Region, Eastern Visayas, Aurora at Quezon ngayong Martes, ayon sa PAGASA.
Namataan ang LPA sa 375 kilometers east ng Legazpi, Albay. Ayon kay PAGASA weather specialist Meno Mendoza, mababa ang tiyansa nitong maging bagyo sa loob ng 24 oras.
Samantala, makararanas din ng mahinang pag-ulan dahil sa amihan ang Cagayan Valley at Cordillera, habang ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng panaka-nakang pag-ulan dahil naman sa localized thunderstorm.
Comments