top of page
Search
BULGAR

Bibili ng bahay sa Maynila… BARON, GUSTONG MAPALAPIT SA ANAK KAY NADIA

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Nov. 28, 2024





Determinado ang aktor na si Baron Geisler na bumili ng bahay sa Maynila para mas mapalapit sa kanyang anak na si Sofia sa aktres na si Nadia Montenegro.


Gusto niyang mas makasama ito habang patuloy niyang binabalanse ang kanyang karera at personal na buhay. 


“Ang hirap kasi talaga,” ani Baron sa isang panayam. “Malayo ako sa anak ko. Kaya naman talagang goal ko na magka-bahay sa Manila para mas madalas ko siyang makasama,” ani ng aktor. 


Sa ngayon, sa Cebu siya naninirahan kasama ang kanyang asawang si Jamie at ang kanilang anak na kahawig na kahawig ni Sofia.


Humahataw ang career ni Baron sa taong 2024 at tila mas blooming pa ang karera niya sa susunod na taon. 


May tatlo siyang major films na naka-lineup, plus isang action-drama series na magdadala sa kanya sa iba't ibang bansa para mag-shooting. 


Sa ABS-CBN pa lang, todo-todo ang chika dahil makakasama siya sa isang bagong serye na aabot umano ng siyam na buwan ang taping. Puwedeng umabot pa ito hanggang bago matapos ang 2025!


Hindi rin nagpapahuli ang Netflix, na nagbigay sa kanya ng malaking break sa pelikulang Doll House


Malapit na ring ilabas ang bago niyang pelikula, ang The Delivery Rider na posibleng mag-premiere sa katapusan ng Nobyembre o sa unang bahagi ng Disyembre.


“Ang character ko dito, may high-functioning autism,” pagbabahagi ni Baron. 

Ayon sa kanya, ang director niya mismo ang nagsabi na magpahinga muna siya mula sa mabibigat na roles. 


“‘Your psyche might be affected, your mental health,' sabi niya sa akin, kaya I chose this role na mas grounded.”


Isa pang pasabog, isang historical film tungkol kay Juan Luna ang kasalukuyang nasa pre-production. Ito ay isang bagong hamon para sa kakayahan ni Baron. Si Sir Roy Iglesias na mismo ang gagawa ng script, at ang team na nasa likod ng award-winning film na Quezon’s Game ang magpo-produce.


Ayon kay Baron, “We won’t be showcasing the darker parts of his story. There are interesting quirks, but we’ll focus on his brilliance and how he became a pioneer.” 


Excited si Baron na gumanap bilang national hero, lalo’t madalas siyang mapili bilang Spanish character sa mga pelikula tulad ng El Presidente at Baler


“I’m praying this one pushes through.”


May isa pang major movie na dapat abangan, ang Danggo, isang obra na isinulat ni Ellis Catrina at idinirek ng magaling na si Catherine “CC” O. Camarillo sa ilalim ng Pocket Media Films. Bida rito sina Cedric Juan, Bianca Umali, Alice Dixson, Baron Geisler at ang legendary na si Tirso Cruz III.


“Eto na, mga Ka-BULGARians!” chika ni Baron. “Grabe ‘tong role ko, dual character, ha! Ibang level talaga ang Danggo. Maganda ang kuwento, at ang daming drama and action moments na swak sa puso at panlasa ng mga moviegoers. I’m so grateful na maging part ng project na ito.”


Kasalukuyang gumigiling ang mga cameras sa shooting ng Danggo at inaasahang ipapalabas nationwide sa unang bahagi ng 2025.


Habang abala sa trabaho, aminado si Baron na mahalaga pa rin ang pamilya niya. Gusto niyang tiyaking maayos ang lahat para mas madalas niyang makita si Sofia, pati na rin ang anak niya kay Jamie.


Sa gitna ng lahat ng chika at projects, malinaw ang focus ni Baron — maging responsableng ama habang nagpapakita ng galing sa larangan ng pelikula. 


Walang duda na bongga ang 2024 para kay Baron, at mukhang mas marami pa siyang pasabog na hatid sa mga susunod na taon.

‘Yun na! Ambooolancia! #Talbog

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page