ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 14, 2023
Inamin ng aktres na si Bianca Umali ang pagiging selosa sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda.
Totoo umano ang mga nabalita noong insidente sa parking lot kung saan matindi ang naging away nila ng nobyong si Ruru Madrid.
Selos ang dahilan ng madalas nilang 'di pagkakaunawaan. Lapitin daw kasi ng chicks ang aktor at super-malambing at friendly sa kanyang mga co-stars na babae.
Katwiran naman ng aktres, hindi siya basta nagseselos lang, kundi base na rin sa kanyang instinct bilang babae. Nararamdaman daw niya kung nagpapa-cute si Ruru sa ibang girls.
Well, dahil nasa tamang edad na rin naman sila ng nobyo, dapat ay marunong nang magkontrol si Bianca ng kanyang selos, kung si Ruru na nga ang masasabi niyang “the one” at Mr. Right.
Tutal naman ay nangako na ang aktor na good boy na siya at hindi na babaero, at hindi rin makakabuti sa isang relasyon ang sobrang selos.
Sa seryeng The Write One, nakaka-relate raw sila sa character na kanilang ginagampanan. Excited at masaya umano sila na magkasama sa isang project, at mas mapapadalas daw ang kanilang pagkikita at bonding sa set.
Comments