top of page
Search

BI muling nagpaalala sa mga empleyado hinggil sa patakarang pagbabawal na mag-Tiktok

BULGAR

ni Jasmin Joy Evangelista | October 26, 2021



Muling pinaalalahanan ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga opisyal na nakadestino sa mga international airport na huwag mag-post sa Tiktok na sumasayaw o kumakanta lalo na kung naka-uniporme ang mga ito.


Batay sa memorandum sa lahat ng BI port personnel, sinabi ni Immigration port operations chief Atty. Carlos Capulong na posibleng maharap sa administrative cases ang sinumang lalabag dito dahil sa insubordination at misconduct.


Sinabi rin ni Capulong na ipinag-utos na raw ni BI Commissioner Jaime Morente na imbestigahan ang mga lumabas na balitang mayroong BI employees na nakadestino sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na patuloy na nagpo-post ng kanilang mga videos sa Tiktok na kanilang kinuha habang naka-duty at nakasuot ng official uniform.


“Our policy on the wearing of the BI uniform is clear. As public servants, employees must proudly wear their uniform at all times, present a professional image to the public and observe proper decorum and good taste in all their actions while they are on duty,” ani Morente sa kanyang inilabas na memo.


Matatandaang noong Disyembre ay sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang mga video ng mga empleyado sa TikTok habang naka-uniporme ay nagpapahina sa reputasyon ng institusyon at lumilikha ng negatibong imahe para sa mga tauhan ng ahensiya, lalo na ang mga frontline immigration officer na nakatalaga sa mga port of entry.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page