Bgy. chairman, lagi raw nasa travel… ANGELIKA, KINASUHAN NG P70 M PLUNDER AT NEGLECT OF DUTIES
- BULGAR
- 39 minutes ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 29, 2025
Photo: Angelika Dela Cruz - IG
Sinampahan ng kasong plunder si Angelika dela Cruz sa Office of the Ombudsman noong Lunes.
Si Angelika ang barangay chairman sa Longos, Malabon City. Inakusahan siya ng pandarambong mula sa public funds ng Barangay Longos na umaabot mula P70 million.
Kinasuhan din si Angelika ng administrative charges gaya ng neglect of her duties as Barangay Longos captain, madalas na pagliban nang walang official leave, and unauthorized transfer ng kanyang official duties sa kapatid niya na si Kagawad Erick dela Cruz.
Sa kabila nito, may halong pamumulitika raw kay Angelika ang pagsampa ng kaso laban sa kanya. Tumatakbo kasi bilang vice- mayor ng Malabon si Angelika ngayong halalan.
Iba-iba ang naging reaksiyon ng mga netizens sa pagsampa ng patung-patong na kaso kay Angelika:
“P70M for a barangay level corruption? (angry emoji).”
“Yaman ng barangay nila.”
“Artists turned public officials always fail to serve but always get involved in cases with public funds. Ang kakapal.”
“Nah, good luck sa mga personal travels without official leave.”
“Totoo po ‘yan, lumitaw lang s’ya nu’ng kampanya na, pero mostly, lagi s’yang wala sa Brgy. ilang taon na rin. Kapatid n’ya lagi na kagawad, nakapirma sa documents. Imbes na kapitana, si Kagawad ang pumipirma... Since birth, sa Longos ako nakatira.”
“People from the showbiz industry that are turned politicians are hypocrites and corrupt… no difference from traditional politicians and political dynasties…”
Sabeee?
Kahit pinalitan ni Randy bilang host…
SHOW NI WILLIE, BABU NA SA TV5
Namaalam na sa ere ang show ni Willie Revillame na Wil To Win (WTW) sa TV5 last Friday.
Hindi si Willie ang host nu’ng mag-last airing ang kanyang programa kundi ang matalik niyang kaibigan na si Randy Santiago.
Pinalitan ni Randy si Willie sa show sa pagsisimula ng kampanya ng mga tumatakbong senador noong February 11. Tumagal din ng dalawang buwan ang show minus Willie.
From our source, season break daw kaya nawala sa ere ang WTW. When we asked our source kung babalik ang programa ni Willie after election, wala raw katiyakan.
Depende raw kay Willie kung ibabalik niya ang show o hindi. Malalaman ‘yan sa magiging resulta ng kanyang pagtakbo bilang senador.
Kapag nanalo, malamang hindi dahil magiging abala siya sa Senado. Kapag natalo naman, siyempre, babalik.
Kering-keri naman ni Willie Revillame na ituloy ang programa niya, may network or wala.