ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Nov. 27, 2024
Photo: Roderick Paulate at Vilma Santos-Recto - Instagram
In pernes, kahit kilalang BFF siya ni Star for All Seasons Vilma Santos-Recto, si Roderick Paulate pa rin ang napiling gawaran ng Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award sa katatapos lang na PMPC 39th Star Awards for Movies.
Sa kanyang speech, very emotional si Dick sa pagsasabing, “Ngayon ko lang aaminin na 58 years na po ako sa showbiz dahil po fetus pa lang ako ay umaarte na po ako. Gusto ko lang ‘yung mga alaala ko nu’ng bata ako, gusto ko lang magpasalamat sa mga tao na tumulong sa ‘kin kahit alam ko na ‘yung iba, wala na.
“Pero si Kuya Ron (FPJ), sa kanya ang first kong movie, ‘yung Matimbang Ang Dugo Sa Tubig. Malaki ang utang na loob ko sa kanya, pumayag siya na ako ang gumanap na young Fernando Poe, Jr.”
Isa rin sa mga pinasalamatan niya si Robbie Tan dahil may mga pelikula rin siyang nagawa sa Seiko. Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan si Superstar Nora Aunor.
Kaya bilib talaga si yours truly sa isang Roderick Paulate kasi walang kayabang-yabang sa katawan kahit marami na siyang na-achieve being an actor, boom ganern!
Kahit walang producer na nakuha ang PMPC para sa 39th Star Awards for Movies ay masaya at maayos naman itong nairaos last November 24, 2024 sa Winford Resort Hotel Manila dahil sa super effort na ginawa ng PMPC officers and members, lalo na ang kasalukuyang pangulo ng organisasyon na si Rodel Ocampo Fernando, na talagang kinarir ang lahat ng kailangan para lamang maidaos nang maayos ang nasabing PMPC event, sa pakikipagtulungan ng Winford Hotel Management thru former PMPC president na si Ms. F a.k.a. Fernando de Guzman.
Ang gaganda ng aura nina Ara Mina at Gladys Reyes na naging female hosts ng awards night. Para silang mga dalaga pa because super sexy pa rin ang kanilang katawan at baby-faced pa rin na parang hindi tumatanda.
Sa nasabing event, muling nakita at nakausap ni yours truly ang former Seiko Films producer na si Robbie Tan na nagpasikat noon kina Rosanna Roces, Stella Estrada at marami pang iba.
Si Robbie Tan ang ginawarang Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award sa 39th PMPC Star Awards for Movies.
At dahil nga napaaga ang dating niya sa venue ay in-interview muna itey ni yours truly na something like.... “Good evening, Mr. Robbie Tan, the pioneer film producer in our showbiz world. Ano po ang masasabi n’yo na bigla kang huminto sa pagpo-produce ng mga pelikula under your Seiko Films Productions?”
“Eh, kasi mahirap naman. Alam mo, mahirap namang mag-produce ngayon kasi mahirap na kumita na parang iba na ang mundo sa cinema world, kasi ang nangyayari ngayon ay puro TV na lang, puro Netflix," saad niya.
Another tanong, “Wala ka bang balak mag-produce rin ng mga TV series or TV shows?”
Sagot niya, “Ah, wala. Wala.”
“Ano ang pinakahuling pelikulang nagawa ng Seiko Films?”
Sey niya, “Ah, ‘yung kay Dante Mendoza, ‘yung Poster Child. Nalugi ako nang husto.”
Ay, sayang naman. Napakaganda pa naman ng nasabing pelikula na idinirek ni Dante Mendoza at nagkaroon pa ng award sa Cannes Film Festival noon, na tipong ‘yun ang nag-open ng door para kay Direk Dante sa pagdidirek ng mga pelikula hanggang sa kasalukuyan.
'Niwey, sina Gretchen Barretto, Cesar Montano, Claudine Barretto, Isko Moreno, Jestoni Alarcon, Gardo Verzosa, Ian Veneracion, Rosanna Roces, Leandro Baldemor, Rodel Velayo, Francine Prieto, Diana Zubiri, Romnick Sarmenta, Barbara Milano at Alfred Vargas ang ilan sa mga artistang pinasikat ni Robbie.
Ano naman ang masasabi ng isang Robbie Tan na nabigyan siya ng Lifetime Achievement Award?
“Very flattered ako. Actually, hindi ko kasi akalain na bago ako mamatay ay nabigyan ako ng recognition sa ating showbiz world and I am very thankful sa PMPC 39th Star Awards.”
Natanong ko tuloy si Barbara Milano kung ano'ng klaseng boss si Robbie sa mga ginawa niyang movies sa Seiko Films noon.
“Wala naman akong masasabi kay Boss Robbie Tan. Mabait ‘yan at maalaga sa kanyang mga artista, sikat man o hindi sikat. Maalaga talaga s’ya,” ang maikling pahayag ni Barbara.
In pernes kay Robbie Tan, noong kasalukuyang sikat na sikat ang Seiko Films ay dinadala niya sa bahay ni yours truly ang mga bagong artistang babae na gagawin niyang big star at itinatanong kung okay ba, lalo na si Rosanna Roces at ang namayapa nang si Stella Strada.
Well, okay naman, sumikat naman ‘yung dalawa, lalo na si Rosanna Roces na until now ay active pa rin sa showbiz, boom, ganern!
Comments