top of page
Search
BULGAR

BF, taob daw sa inuman… IBINUKING NI RICCI: ANDREA, LASENGGA!

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | June 11, 2022



Nalolokah at shocked ang buong showbiz sa pinaggagagawa ngayon ni Andrea Brillantes. Kaybata-bata pa niya ay puro nega na ang mga nababalita sa kanya!


Tomador o lasengga raw, as in malakas uminom ng alak itong si Andrea. At mismong ang BF niyang basketbolista na si Ricci Rivero ang diumano'y nagkukuwento na daig siya ni Andrea sa inuman. At puro lalaki pa raw ang kanyang katropa.


Madalas ding papansin ang young actress at gustung-gusto na siya lagi ang pinag-uusapan.


Dedma rin si Andrea kung puro negatibo ang komento sa kanya. Basta ginagawa niya kung ano ang gusto niya at wala siyang paki sa sasabihin ng iba.


Masyado rin daw selosa si Andrea kaya kapag kasama niya ang BF na si Ricci Rivero, todo-angkla at sobrang clingy kahit nasa public place sila.


And it seems, nag-e-enjoy naman si Andrea habang siya ay pinapansin at pinag-uusapan ng lahat.


Well, ito kaya ang paraan ni Andrea Brillantes upang mabilis siyang sumikat? May kukuha pa kaya sa kanya na maging endorser sa kabila ng kanyang negative image?


Ang alam namin, may mga magulang pa naman ang young actress. Hindi ba nila kayang gabayan si Andrea? Dahil ba siya ang breadwinner ng pamilya kaya hindi na siya kayang pagsabihan?


Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page