top of page
Search
  • BULGAR

BF, sugar daddy lang daw ang peg… JULIA, IPINAG-SHOPPING NI GERALD NG LV SA THAILAND

ni Mercy Lejarde - @Talkies | July 9, 2022



Inggit much ang maraming netizens sa haba ng hair ni Julia Barretto dahil du'n sa nag-viral na pictures kung saan nag-shopping sila ng LV bags ng BF niyang si Gerald Anderson nang magbakasyon sila sa Bangkok, Thailand.


Dahil kilala raw si Juls ng kanyang mga fans na kuripot at hindi mahilig bumili ng branded items kahit pa malakas din naman itong kumita, ang feeling ng mga Marites ay si Gerald ang gumastos nang bongga sa kanilang bakasyon sa Thailand at sa pagsa-shopping nila ni Julia.


May comment pa nga ang ilang netizens na galante talaga si Gerald sa pagreregalo sa mga nagiging dyowa nito, no wonder kaya hindi siya makalimutan ng kanyang mga ex-GF, devah naman, Bea Alonzo?


Meron pang nag-comment na mala-sugar daddy daw ang peg ni Gerald kay Julia dahil bongga nga kung gastusan ang kanyang GF.


Well, at least, guwapo at 'di naman masyondang sugar daddy, 'no!


Boom, tsuk!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page