ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 01, 2021
Akala pa naman namin ay ikakasal na sina Bea Alonzo at Dominic Roque pag-uwi nila ng Pilipinas dahil may nakarating sa aming balita na nag-propose na raw ang aktor sa kanyang GF habang sila ay nasa Los Angeles, California, USA at nagbabakasyon.
Pero paglilinaw ng aming source na malapit sa aktres na si Beth Tamayo, ang tita ni Dominic, may nakita lang daw na couple roon ang aktor kung saan nag-propose ang guy sa kanyang GF at nag-volunteer si Dominic na maging photographer para makunan ang 'once in a lifetime moment' ng magkasintahan.
So, malinaw na hindi si Dominic Roque ang nag-propose ng kasal kay Bea. Kaya, mukhang matagal pa ang ipaghihintay ng kanilang mga fans na gustong makitang inihaharap ni Dominic sa altar si Bea Alonzo.
コメント