ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Feb. 6, 2025
Photo: Bea Alonzo - IG
Medyo marami ang naiintriga at nagtatanong kung sino kaya sa mga nakarelasyon noon ni Bea Alonzo ang sobrang inayawan ng kanyang ina at kapatid na humantong sa matagal na pagtikis sa kanya ng mga ito?
Tinutulan ng ina at kapatid na lalaki ni Bea ang naging karelasyon niya noon, pero hindi niya pinakinggan ang payo ng kanyang pamilya, kaya matagal siyang hindi kinausap ng kanyang ina at kapatid. ‘Yun ang pinakamabigat na sitwasyon na pinagdaanan ng aktres.
Pero, hindi rin siya nakatiis at pinili ang kanyang pamilya.
May mga nagsasabi na ang naging karelasyon noon ni Bea na inayawan ng kanyang pamilya ay si Gerald Anderson, na nagkaroon pa ng isyu sa ‘ghosting’. Bigla na lang daw itong naglaho at hindi na nagparamdam kay Bea. Wala silang naging closure sa kanilang paghihiwalay.
Matagal itong pinagpiyestahan sa showbiz, at napunta ang simpatya ng lahat kay Bea.
Anyway, nalagpasan naman ni Bea ang malulungkot na chapter ng kanyang buhay-pag-ibig. Marami lang ang nanghinayang sa relasyon nila ni Dominic Roque, na muntik nang ikasal kay Bea, pero hindi na natuloy.
NAGDADALAMHATI at nabigla ang TV host na si Willie Revillame sa pagkamatay ng lady pilot na si Captain Julia Flori Po.
Matagal nang kaibigan ni Willie ang tatay ng lady pilot na si Archie Po, isang bigtime businessman.
Ginamit ang chopper noong Pebrero 1 nang inihatid ni Capt. Po sa Baguio si Senador Bato Dela Rosa. Nagpa-refuel pa raw sa Binalonan, Pangasinan pagkahatid kay Sen. Bato at nu’ng bandang hapon ay naibalita na lang na may nag-crash na chopper sa isang swamp sa Barangay San Miguel sa Guimba, Nueva Ecija.
Agad na sumugod si Willie sa pinangyarihan ng aksidente at kinuha ang mga labi ni Capt. Po at inilipat sa Heritage Park sa Taguig.
Dahil sa nangyari, marami ang concerned kay Willie at nag-aalala lalo’t piloto na rin ngayon ng kanyang sariling chopper ang TV host. Madalas niyang gamitin ang kanyang chopper kapag nagpupunta sa Puerto Galera at sa iba pang malalayong lugar na gusto niyang puntahan nang mabilisan.
Ngayon, tiyak na mas mag-iingat na si Revillame sa kanyang pag-iikot at pangangampanya. Hindi na siguro siya gagamit ng chopper o ng kanyang private plane.
Nagtataka lang ang marami sa news report na sa airport ng Binalonan, Pangasinan,
noong nag-refuel ang chopper ay nahirapan na raw mag-start ang engine nito. Eh, bakit kaya pinalipad pa rin ng lady pilot?
Kesa kay Juday…
VILMA, MAS OKS PUMALIT KAY CHARO SA MMK
Si Judy Ann Santos ba ang karapat-dapat na sumunod sa yapak ni Charo Santos?
Sakaling i-revive at magpatuloy muli sa telebisyon ang Maalaala Mo Kaya (MMK), si Juday na raw ang hahalili at magbabasa-magkukuwento ng istorya ng mga letter senders.
Mahigit dalawang dekada ring umere ang MMK noon sa ABS-CBN. Maraming makukulay na istorya ang kanilang itinampok na ginampanan ng mga sikat na artista.
Pero, kayanin naman kaya ng schedule ni Juday ang MMK sakaling i-offer sa kanya?
Bukod sa pagiging hands-on mom, may resto business siyang inaasikaso, ang Angrydobo. At piling-pili na rin ang tinatanggap niyang movie projects.
Siguro, puwedeng mas mature na artista ang ipalit kay Char. Dapat ay ‘yung artista na respetado ang image tulad ni Star for All Seasons Vilma Santos-Recto.
Comments