top of page
Search
  • BULGAR

Bf na todo-harot sa iba… “PUWEDE KA RING MAGPALIGAW SA IBANG LALAKI” - MAESTRO

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | June 30, 2024


Dear Maestro,


Naghiwalay kami ng boyfriend ko dahil sa may third party. Bukod sa akin, may iba pa pala siyang nililigawan, pero hindi pa naman niya girlfriend. Nang malaman ko ito, tinanong ko siya kung bakit nanliligaw pa siya sa ibang babae gayung mag-on na kami, sinabi niya na hindi pa naman daw kami kasal o mag-asawa, kaya walang masama kung manliligaw pa siya sa iba. Nagalit ako kaya nakipag-break ako sa kanya, pero palagi pa rin siyang nagte-text at gustong makipagbalikan. 


Sa totoo lang, mahal ko pa rin siya, pero gusto ko siyang matuto dahil ayoko ang ginagawa niya. May girlfriend na siya, tapos manliligaw pa siya sa iba?

Maestro, magkakabalikan pa kaya kami kahit na hindi ko na sagutin ang mga texts niya sa akin? 


Ang plano ko kasi ay pahirapan muna siya at humingi siya ng sorry at ipangako niyang ‘di na niya muli pang uulitin iyon. Tama ba ang binabalak kong ito? Kung magkakabalikan kami, kami na kaya ang magsasama sa tamang panahon at compatible ba kami? March 12, 1997 ang birthday ko, habang November 6, 1994 naman ang birthday niya.

 

Umaasa

 Zagi ng San Carlos, Mariveles, Bataan



Dear Zagi,


Kung ang ikinakat’wiran niya sa iyo na kaya siya nanliligaw sa iba ay dahil hindi pa kayo mag-asawa, lumalabas na sa parte mo naman ay puwede ka ring magpaligaw sa ibang lalaki. 


Kung halimbawang pumayag siya na puwede ka ring magpaligaw sa iba kahit may relasyon kayo, siguro ay matatauhan siya dahil ibig sabihin ay parang wala kayong commitment sa isa’t isa. Kumbaga, parang hindi kayo magkasintahan dahil puwede pa rin siyang manligaw sa ibang babae habang ikaw naman ay puwedeng magpaligaw sa ibang lalaki.Kunsabagay, minsan ay napakahirap intindihin ang iba’t ibang tawag sa maraming kombinasyon ng relasyon. May tinatawag na “M.U ” o mutual understanding na parang hindi pa masyadong pormal ang relasyon. May tinatawag ding “fling” na ibig sabihin ay puwedeng palitan anumang oras ang ka-fling mo. Meron ding “syota-syotaan” o hindi pa talaga ganap na mag-on. Sa pag-aasawa naman, may tinatawag na “live-in” at may mga pangyayari pa na nagiging dalagang ina o binatang ama ang magka-live in na hindi nila kapwa ginusto. Kaya kapag nabuntis ang babae o nakabuntis ang lalaki, tinatawag nila itong “naka-ano” lang.


Sa madaling salita, para hindi kayo maguluhan, ang mas maganda nito ay alamin n’yong mabuti kung ano ang relasyon na mayroon kayo. Nagpa-practice lang ba kayo na maging magkasintahan upang kapag nagkasundo kayong muli habang may relasyon ay unti-unti n’yo nang gawing pormal ang inyong samahan, magkaroon ng bagong commitment, formal engagement na sa bandang huli ay hahantong sa totohanang preparasyon na sa pag-aasawa o pagtatayo ng sariling pamilya?Samantala, dahil nagkataong compatible ang Pisces at Scorpio dahil sila ay kapwa nagtataglay ng elementong tubig, gayundin ang birth date mong 12 (1+2=3) at birth date na 6 ng boyfriend mo na sadyang magkatugma rin dahil ang birth date na 3 at 6 ay tinatawag na grupo ng numerong series of 3-6-9, posibleng ngayon pa lang ay nasasagap mo na ang mangyayari.Dahil totoong mahal ka ng boyfriend mo at natatakot din siyang mawala ka sa kanya, bagama’t balak niya pang humanap ng iba, sa bandang huli ay matatauhan din siya. At kung ganu’n ang mangyayari, tiyak ang magaganap, hihingi rin siya ng tawad upang ang dating muntik nang mawasak na relasyon ay muling buuin sa bago at mas masayang pag-iibigan na hahantong sa tunay at lehitimong relasyon na patungo sa masaya at panghabambuhay na pagmamahalan na nakatakdang mangyari at maganap sa susunod na buwan ng Agosto o Setyembre sa edad mong 27, habang 29 naman ang boyfriend mo. 



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page