top of page
Search
BULGAR

Best friend Bong Revilla vs. Phillip Salvador, sino’ng magwawagi sa 2025 Election?

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Sep. 25, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

HARRY ROQUE, MINALAS SA ILALIM NG MARCOS ADMIN, KASI IDINEKLARA NA SIYANG ‘PUGANTE’ NG QUAD-COMMITTEE, TILA MADI-DISBAR PA --Naghain si Atty. Melvin Matibag sa Supreme Court (SC) ng disbarment case laban kay former presidential spokesman, Atty. Harry Roque.


Talagang minalas na si Roque sa ilalim ng Marcos administration kasi mantakin n’yo, idineklara na siyang pugante ng Quad-Committee ng Kamara, tapos tila madi-disbar pa siya sa pagka-abogado, tsk!


XXX


KUNG MABAIT ANG TURING NI CARLOS YULO SA KANYANG SARILI, WALA NANG MASAMANG TAO SA MUNDO -- Sa isang bahagi ng interview ni Toni Gonzaga kay 2 gold medalist Carlos Yulo ay nag-ha-ha-ha reactions ang napakaraming netizens nang sabihin niyang mabait daw siyang tao.


Mantakin n’yo, ipinakita niya sa mundo ang kawalang respeto niya sa kanyang ina at pagtakwil sa buong pamilya porke isa na siyang multi-millionaire, tapos sa ginawa niyang iyan ay nababaitan pa siya sa kanyang sarili.


Sa totoo lang, magtatawanan talaga ang netizens sa ibinidang ito ni Caloy kasi kung ang turing niya sa kanyang sarili ay mabait siyang tao, aba’y wala nang masamang tao sa mundo, boom!


XXX


BEST FRIEND BONG REVILLA AT PHILLIP SALVADOR, MAGKALABAN NA SA PULITIKA, SINO’NG MAGWAWAGI SA KANILA SA 2025 MIDTERM ELECTION? -- Sa pulitika ay walang kai-kaibigan, at mangyayari iyan sa magkaibigang artistang sina Sen. Bong Revilla na re-electionist senator at Phillip Salvador na kakandidatong senador.


Sa 2025 midterm election ay hindi puwedeng magkampihan sina Revilla at Salvador dahil ang mga partido nila ay magkalaban sa pulitika. Si Revilla ay kasapi ng Lakas-CMD at si Salvador naman ay kasapi ng Partido Demokratiko ng Pilipinas (PDP).


Kaya’t ang tanong: Pareho kaya silang magwagi sa halalan o isa sa kanila ang malalaglag sa top 12 senatoriables? Abangan!


XXX


2-ARAW PA LANG SA PUWESTO SI ERC HEAD JESSE ANDRES, MAY OIL PRICE HIKE AGAD! -- Dalawang araw pa lang sa puwesto si Atty. Jesse Andres bilang Officer-in-Charge (OIC) ng Energy Regulatory Commission (ERC) kapalit ni ERC Chairperson Monalisa Dimalanta na sinuspinde ng Ombudsman, inaprub agad nito ang hirit na oil price hike (P1.10 per litro ng gasolina at P0.20 per litro sa diesel) ng mga kumpanya ng langis.


Akala ng publiko maghihigpit si Andres kapag humirit ng taas-presyo sa gas ang oil

companies, ‘yun pala tulad din siya ni Dimalanta na “bow nang bow” sa dagdag-presyo ng mga produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis, boom!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page