ni Nitz Miralles - @Bida | November 19, 2022
Balik-instagram na si Yen Santos at ang pinaka-latest niyang post ay nang manalong Best Actress sa Gawad Urian para sa pelikulang A Faraway Land.
Sa posted photo ni Yen, hawak niya ang trophy at may caption na: “A moment I will treasure for a lifetime.”
Mababasa sa post ang pangalan ni Paolo Contis na isa sa mga nag-like. Pero dahil naka-off ang comment box, walang makapang-bash kay Yen.
In fairness, kung may mga hindi natuwa, marami rin ang kinilig sa comment ni Paolo na “Congratulations Llieyen Santos. I’m soooo proud of you!!! Very well deserved. See you in a while.”
Ibig sabihin, magkasama silang isinelebreyt ang pananalo ni Yen.
Comentários