ni Lolet Abania | October 30, 2021
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bernie Cruz bilang acting secretary ng Department of Agrarian Reform (DAR), ayon sa Malacañang ngayong Sabado.
Si Cruz ay DAR undersecretary para sa foreign assisted and special projects office na bago pa ang kanyang appointment nitong Oktubre 28.
“We are confident that Acting Secretary Cruz will continue to oversee the completion of DAR’s programs and projects in the remaining months of the current government,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.
“We wish Acting Secretary Cruz all the best in his new assignment,” sabi pa ni Roque. Papalitan ni Cruz si John Castriciones na nag-resign nitong buwan lamang para tumakbo sa pagka-senador sa May 2022 national at local elections.
Sa isang statement, sinabi ni Cruz na “doble ang pagsisikap” na gagawin ng DAR upang maipamahagi ang lahat ng natitirang undistributed land sa mga walang lupang magsasaka, patuloy na pagbibigay ng suportang serbisyo sa mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) at pagkakaloob ng tinatawag na social justice sa mga agrarian communities.
Ayon pa kay Cruz, ang gobyerno ay nananatiling may balance ng mahigit sa 700,000 ektarya ng agricultural lands.
“If these lands were awarded to qualified and deserving ARBs, the country would have a sustainable agricultural sector that would contribute in ensuring food security,” sabi ni Cruz.
“I am committed to bring industrialization in the agricultural sector and through provisions of support services such as various livelihood opportunities, infrastructure projects, farm machineries and equipment, capability-buildings training, loan facilities, among other support, we can achieve a stable rural economy,” pahayag pa ni Cruz.
תגובות