ni Gerard Peter - @Sports | April 5, 2021
Nakamit ni Sanman lightweight prospect Mark “Machete” Bernaldez ang kanyang ikalawang sunod na panalo sa panahon ng coronavirus disease (Covid-19) pandemic sa ibang bansa matapos pabagsakin si Mexican Hector Ruben Ambriz Suarez sa 6t round ng non-title bout na Got talent IX, Marso 24 sa Media Pro Studios, Medley, Miami, Florida sa Estados Unidos.
Ipinatikim ng 26-anyos na tubong-Butuan City ang pambihirang malupit na kanang hook kay Suarez upang mapabagsak ito sa 2:31 ng 6th ng 8th round fight para matikman ang 2nd victory sa tatlong laban sa Estados Unidos. Itinigil ni referee Samuel Burgos ang laban matapos hindi na makabangon pa ang Mexican boxer buhat sa nasabing patama, para igawad kay Bernaldez (22-4, 16KOs) ang technical knockout victory laban kay Suarez (12-13-2, 6KOs).
Pinuri ni Sanman Promotions chief operating officer (CEO) Jim Claude Manangquil ang naging panibagong tagumpay ng dating ALA boxer na nagpaplanong bigyan pa ito ng mas malalaking laban sa susunod. “Great Performance for Mark. Where looking for another big fight for him,” saad ni Manangquil sa mensahe nito sa Bulgar Sports.
Nasundan ng 5-foot-6 boxer ang isang impresibong panalo kay Julian Evaristo Aristule (34-15, 17KOs) noong Oktubre 17, 2020 sa Manual Airtime Community Center Theater sa Miami, Florida na nagtapos sa 3rd round TKO. Hindi naging maganda ang panimula ng pagbabalik U.S. ni Bernaldez nang daigin ito ni Amercian Albert Bell sa The Bubble sa MGM Grand na nagresulta sa 10th round unanimous decision noong Hulyo 2, 2020.
Natamo ang 25-anyos mula Ensenada, Baja California, Mexico ng ika-9 na pagkatalo simula noong Enero, 2018.Sa takbo ng mga laban, maagang nagpakitang gilas ang Filipino boxer ng magpatama ito ng mga malalakas na hooks at straights sa simula pa lang ng laban. Sinubukan namang ipitin ni Suarez si Bernaldez sa gilid kasunod ng mga kumbinasyong suntok, subalit bigo itong masaktan ang Filipino boxer na palaging naiiwasan ang atake nito.
Comments