top of page
Search

Benepisyong nakukuha sa okra

BULGAR

ni Lolet Abania | July 19, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Naglalaman ng mga bitamina A,K,C, B6, B1, B2 at folate. Ito ang naibibigay ng gulay na gumbo o okra sa ating katawan tuwing kakain nito. Higit na importante ang Vitamin C at K na mayroon ang okra, dahil ang bitamina C, ay nagpapalakas ng immune system at ang bitamina K, pagsasaayos ng daloy ng dugo. Narito ang mga benepisyong biyag ng okra na kailangan ng ating katawan.


  1. Isinasaayos ang Digestion. Tuwing kakain tayo nito, nagiging maayos ang ating panunaw at takbo ng ating digestion dahil sa nililinis ng okra ang labis na kolesterol at nakokontrol ang pagkapit ng asukal sa katawan na agad din nating inilalabas, gayundin, tumutulong sa problema sa tiyan.

  2. Katulong sa paggamot sa Diabetes. Nalalaman ang okra ng myricetin, na sumisipsip sa mga asukal ng katawan, na sa tuwing kakain nito, bumaba ang sugar level sa dugo natin para hindi humantong sa diabetes.

  3. Pakinabang sa buntis at bata. Mayroon itong folate na kailangang mineral at folic acid ng mga buntis at baby niya. Maganda rin sa balat ito dahil sa nakakapagpakinis ng balat.

  4. Nag-aalaga sa mata. Napoprotektahan ng gulay na ito, ang mata laban sa pagkakaroon ng katarata o paglabo ng mata dahil sa Vitamin A at ang Xanthive lutein beta-carotene na mayroon nito.

  5. Proteksyon sa puso. Sa tuwing kakain ng okra, bumababa ang antas ng kolesterol sa ating katawan, kaya nakatutulong nang husto sa ating puso. Binabawasan nito ang panganib sa sakit na cardiovascular at stroke. Mayroong itong fectin na mahahalagang sangkat ng okra dahil sa pinabababa nito ang kolesterol ng dugo at nagpapaganda ng ating apdo sa bituka.


Kahit maliit na gulay lamang ang okra, marami itong naibibigay na pakinabang sa sinumang kakain nito. Lagi nating tandaan na dapat nating pangalagaan ang ating katawan.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page