top of page
Search

Ben&Ben, magpe-perform sa concert ni Ed Sheeran

BULGAR

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | February 28, 2024




Nakatakdang mag-perform sa buwan ng Marso ang OPM band na Ben&Ben bilang special guest sa Manila concert ni Ed Sheeran na pinangalanang 'The Mathematics Tour.'


Ibinahagi ng Filipino indie folk-pop band ang magandang balita sa kanilang Instagram page, kasama ang official concert poster na nagtatampok ng kanilang pangalan at isang throwback video ng kanilang cover ng kanta ni Sheeran na "Perfect."


“Ma, special guest na kami ni Ed Sheeran sa concert niya. Parang dati lang, nagcocover lang kami ng “Perfect” sa Youtube. Never in our wildest dreams did we think this could happen. Surreal,” saad nila sa post.


“SLIDE FOR A THROWBACK! Ibang iba pa itsura namin nun. Andami na pala nating pinagdaanan, Liwanag,” dagdag pa ng banda tungkol sa dating YouTube video.


Tinawag dati ang grupo bilang The Benjamins dahil pinangungunahan lamang sila ng kambal na sina Miguel at Paolo Benjamin. Noong 2016 lamang sila nagpasyang magdagdag ng mga bagong miyembro at baguhin ang pangalan ng kanilang banda sa Ben&Ben.


Kilala ang indie band sa kanilang mga hit tulad ng "Kathang Isip," "Ride Home," "Leaves," at "Lifetime," kasama ang iba pa nilang mga kanta.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page