ni Mabel Vieron | June 29, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/2551ae_a4674c8a4905406cbbf00c0361d1a0e9~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/2551ae_a4674c8a4905406cbbf00c0361d1a0e9~mv2.jpg)
Nagpahayag si Belarusian President Alexander Lukashenko na handa umano nilang kupkupin ang Wagner troops sa kanilang bansa.
Ayon kay President Lukashenko, ilalagay nila ang mga sundalo ng Wagner sa abandonadong military base. Dagdag pa nito, wala umano silang plano na mag-recruit pa ng mga miyembro ng Wagner.
Magugunitang naging susi si Lukashenko para mapigilan ang rebelyon na inilunsad ng Wagner fighter sa Russia na pinangunahan ng kanilang lider na si Yevgeny Prigozhin.
Comments