ni Gerard Arce - @Sports | October 1, 2021
Kapwa tinapos ng San Miguel Beermen at Magnolia Pambansang Manok Hotshots ang Northport Batang Pier at ROS E-Painters sa bisa ng 100-95 at 96-86, ayon sa pagkakasunod para tuluyang dumiretso sa semifinal round matapos ang pagwalis sa mga best-of-three quarterfinal series kagabi sa PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pampanga.
Makakaharap ng SMB ang No.1 seed na TNT Tropang Giga na madaling tinapos ang Gin Kings sa 84-71, habang maghihintay pa ang Hotshots sa magwawagi sa Meralco Bolts at NLEX Road Warriors na may laban ngayong 6 p.m.
Nanguna sa puntusan para sa SMB si 2019 Rookie of the Year CJ Perez sa 21 puntos. “We all know that it will not be an easy game because it was a do-or-die for Northport. We consider Northport as a strong team,” pahayag ni SMB coach Leo Austria, na muling nakabalik sa semis matapos masilat sa Meralco Bolts sa dalawang laro sa quarterfinals sa 2020 PBA Bubble sa Angeles University Foundation Gym sa Pampanga. “That’s why before the game I asked the team to take the game seriously because their backs are against the wall and we want to get to the semis right away. We cannot know what will happen if there ever was a third game,” ani Austria, na huling beses ginabayan ang SMB All-Filipino title noong 2019 at 2019 Commissioner’s Cup para sa ika-27th championship.
Muli namang nakatuntong si Calvin Abueva sa semis na huling naglaro sa koponan ng Phoenix Fuel Masters noong 2020 PBA Bubble at pinatalsik ang Hotshots sa quarterfinal round. Sa pagkakataong ito, tinulungan ni Abueva, na leading candidate para sa Best Player of the Conference, ang Magnolia sa pagkana ng double-double na 20pts at 19 rebs mula sa 6-of-11 shooting, habang namuno sa scoring si Paul Lee sa 24pts, habang nasayang ang 16 pts ni James Yap sa ROS.
"Salamat sa kanila kase nag-commit sila sa gusto naming mangyari,” wika ni Magnolia coach Chito Victolero, na ibinidang mas makabubuti umanong kakampi si Abueva kaysa sa katunggali sa laro.
Commenti