ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | Enero 17, 2024
KATANUNGAN
May inaaplayan akong trabaho sa ngayon. Ano ba ang kulay ng damit na dapat kong suotin para suwertehin at matanggap kaagad ako? September 28, 1994 ang birthday ko.
Balak ko ring mag-abroad. Kaya sana, pakianalisa na rin kung may Travel Line sa aking mga palad at kung ano’ng mangyayari sa aking career sa future at kung okey na ba ang signature ko?
KASAGUTAN
Maganda at okey na itong signature mo kung saan simpleng letrang “r” at “a” lang ang nasa unahang bahagi habang tinapos mo ang iyong lagda sa straight line o tuwid na guhit. Ibig sabihin, ituloy mo lang ang paggamit sa nasabing pirma at makikita mo, susuwertehin ka na higit lalo sa last quarter ngayong 2024 at magtutuluy-tuloy pa ang nasabing magandang kapalaran hanggang sa bumungad ang taong 2025.
Ang kulang na lang talaga sa iyo kaya ayaw pang ngumiti nang husto sa karanasan mo ang mabuting kapalaran ay ang paggamit at pagsusuot ng kulay pula at puwede rin ang pink at dilaw na siyang mapalad mong mga kulay.
Oo, isa sa mapalad mong kulay ay ang dilaw o yellow, dahil ang birth date mong 28 ay may sumatotal na 1, nangyari ganu’n dahil ang 28 ay 2+8=10, 1+0=1. Habang ang zodiac sign mong Libra na nagsasabi namang mapalad ka rin sa mga kulay na pink at red. Ibig sabihin, kapag lagi kang gumamit at nagsuot ng kulay na dilaw, pink at red, mas mabilis kang susuwertehin at mas mabilis kang magtatamo ng magaganda at bonggang-bonggang kapalaran.
Samantala, halos may namataang Travel Line (Drawing A. t-t arrow c.) sa kaliwa mong palad, pero parang wala naman guhit ng paglalakbay sa kanan mong palad. Ibig sabihin, kailangang pagsikapan mo talaga ang pag-a-apply sa abroad upang magkaroon ng positibong bunga ang iyong mga pagsisipag dahil kung hindi mo ipipilit nang husto ang gusto mong mangyari sa iyong buhay, sa halip, maghihintay ka lang ng tamang pagkakataon tulad ng nasabi na, malabong mapasaiyo ang magagandang kapalaran. Kaya tandaan mo rin ang kasabihang ipinamana sa akin ni Kuya Manoling, “Sa taong buo ang loob, ang yaman at ligaya ay lubos!”
DAPAT GAWIN
Ayon sa iyong mga datos, Seina, wala kang dapat gawin ngayon kundi mag-apply kahit saang kumpanya mo maibigan dahil ngayong 2024, sa edad mong 29 pataas, tuluyan nang ngingiti sa iyong buhay ang magandang kapalaran, matatanggap ka na sa inaaplayan mong trabaho at sa susunod na taong 2025, makapangingibang-bansa ka na rin hanggang sa tuluy-tuloy na ring umunlad ang iyong career.
Comments