top of page
Search
BULGAR

Bebot na NPA, sumurender

News @Balitang Probinsiya | July 7, 2024



ILOCOS NORTE -- Isang babaeng miyembro ng komunistang New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa lungsod ng Batac sa lalawigang ito.

Para sa kanyang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga otoridad ang babaeng komunista.


Ayon sa ulat, isinuko rin sa mga otoridad ng naturang NPA ang dala niyang armas at subersibong dokumento.


Sinabi ng sumurender na rebelde na nais na niyang magbagong buhay kaya nagbalik-loob sa gobyerno.


Patuloy pang isinasailalim sa taktikal na interogasyon ang babaeng NPA upang matiyak na bukal sa kanyang kalooban ang pagsuko sa pamahalaan.


 

Small-time tulak, tiklo sa buy-bust


AKLAN -- Isang small-time drug pusher ang dinakip ng mga otoridad sa buy-bust operation kamakalawa sa Brgy. Camanci.


Nakilala ang suspek na si Ronnie Mendez, nasa hustong gulang at residente sa nabanggit na bayan. 


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga otoridad na nagbebenta ng shabu ang suspek kaya nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba na naging dahilan upang madakip ang pusher.


Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng isang sachet ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


 

Most wanted criminal, arestado


ILOILO -- Isang most wanted criminal ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Brgy. Pagdugue, Dumangas sa lalawigang ito.


Hindi muna pinangalanan ng pulisya ang suspek habang iniimbestigahan pa ito. 

Ayon sa ulat, dinakip ng mga otoridad ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong 10-counts ng kasong rape sa lalawigan.


Napag-alaman na may nagbigay ng impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad pinuntahan at inaresto ng mga operatiba ang rapist sa naturang lugar.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga otoridad.


 

Notoryus na killer, dedo sa shootout


CAVITE -- Isang notoryus na killer ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Brgy. Molino 6, Bacoor City sa lalawigang ito.


Ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilalang lang sa alyas na “Junel,” nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na lungsod.


Napag-alaman na dadakpin sana ng mga otoridad ang suspek dahil sa panunutok nito ng baril sa isang hindi pinangalanang babae sa nasabing barangay, pero imbes na sumuko at pinagbabaril nito ang mga operatiba.


Dahil dito, gumanti ng putok ang mga otoridad na naging dahilan kaya napatay ang suspek, kung saan napag-alaman ng pulisya na may nakabinbin na 4-counts ng kasong murder.


Nakakumpiska ang mga otoridad ng isang baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.





0 comments

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page