ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | March 2, 2023
KATANUNGAN
Maestro, nais kong malaman kung may guhit ng pakikipagrelasyon sa aking mga palad. Umabot na kasi ako ng edad 23 at kahit minsan ay hindi pa ako nagkaka-boyfriend, gayung marami namang nagsasabi na maganda ako.
Wala pa naman akong balak mag-asawa dahil wala pa akong stable job, pero siyempre, gusto ko ring magka-boyfriend tulad ng ibang babae na tulad ko. Sana, malaman ko kung kailan ako magkaka-boyfriend kahit hindi pa pang-asawa para magka-experience naman ako kung paano makipag-date, mahalin at magmahal.
KASAGUTAN
Alam mo, Trixy, minsan ay kailangan ding ipinagdarasal ang magiging boyfriend o girlfriend, sapagkat ang isang nilalang na magiging special friend o shoulder to lean on ay dapat na idinudulog kay Lord.
Ipinagdarasal dapat ang pagdating ng taong mamahalin ka at habambuhay mo rin siyang mamahalin dahil ang kaloob na ito sa iyo ng langit ay maituturing ding biyaya ng Maykapal na ipinagkakaloob sa isang indibidwal upang magkaroon ng buo at maligayang panghabambuhay na pamilya.
Dahil malapit na ang Holy Week o panahon ngayon ng Kuwaresma, siguro, ito ay eksaktong panahon upang magdasal at magnilay-nilay upang hilingin kay Lord na magkaroon ka ng mabuti, mabait at guwapong boyfriend o kung anuman ang gusto mo sa isang lalaki na makakasama mo habambuhay. Sabi nga sa isang panalangin, "Lord, help me find the right man/woman. May he/she be strong when I am weak, brave when I am afraid, and willing to share my life with him/her. Finally, I ask that you be present to both of us in our life together. Amen."
Samantala, Trixy, magkaka-boyfriend ka na. Ito ang nais sabihin ng tumubo at bahagyang humaba na unang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Bagama’t hindi pa siya ang mapapangasawa mo dahil medyo maliit o maikli ang nasabing unang Marriage Line (arrow a.), magiging okey naman ang inyong relasyon.
Pero dahil hindi kayo ang itinakda sa isa’t isa, sa bandang huli ay maghihiwalay kayo upang bigyang-daan naman ang ikalawang mas malinaw at mahabang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. At dahil ang nasabing guhit ay mahaba, makapal at malinaw, ito ay tanda na ang ikalawang boyfriend mo ang iyong mapapangasawa, makakatuluyan at makakasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.
MGA DAPAT GAWIN
Tulad ng nasabi na, ang pagkakaroon ng boyfriend ay dapat ding ipagdasal upang ang biyayang ito mula sa Maykapal ay maging habambuhay na blessing sa papasukin nating pagpapamilya.
Kapag naman nagkaroon na ng karelasyon, upang hindi maghiwalay at habambuhay na magmahalan, dapat ding nagdarasal ang magkasintahan. Sabi nga sa isang panalangin para sa magkasintahan, “Heavenly father, from the very beginning you wanted men and women to find love and create new life together. We thank you for this wonderful gift of love which you have generously granted us. Help us to continue to love each other and accept each other as we are, unconditionally as we get to know each other better. Give us the power of your love that we may forget self and live for each other so that we may have truly one spirit, in preparation for the time when you will send us children to add to our union and love. Amen!”
Habang, ayon sa iyong mga datos, Trixy, sa taon ding ito ng 2023, hindi magtatagal, isang lalaki na isinilang sa zodiac sign na Virgo ang darating upang may mapagsabihan ka na ng iyong mga problema at mabahagian ng mga kasiyahan at ligaya mo sa buhay.
Gayunman, hindi siya ang iyong makakatuluyan dahil lilipas ang isang taon o sa edad mong 25 pataas, darating naman ang huli at ang lalaki na magiging ikalawang boyfriend mo. Siya ay isinilang sa zodiac sign na Taurus at siya na ang mapapangasawa at makakasama mo sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.
Comments