top of page
Search
BULGAR

Bebot, makakatuluyan ang BF dahil ka-compatible sa birthday at zodiac sign

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | Marso 17, 2024



Dear Maestro,


Kami na ba ng boyfriend ko ang magkakatuluyan? Sa ngayon kasi ay napapadalas na ang aming pagtatalik, kaya pinagdarasal ko na sana ay kami na talaga ang itinakdang magsama habambuhay. At sana naman hindi matulad ang relasyon namin sa dati kong boyfriend na matapos akong buntisin, bigla na lang nawala na parang bula.


Sa ngayon, may anak na akong isang babae. Ayaw ko na sana itong madagdagan kung mawawalan din naman ng ama ang aking magiging anak. Kaya sana kahit mabuntis ako nitong boyfriend ko, hindi niya sana ako iwan.


Maestro, matutupad kaya ang simpleng wish kong ito?  Ang birthday ko ay August 6, 1998 habang April 12, 1997 naman ang boyfriend ko.


Umaasa,

Samantha ng San Isidro, Angono, Rizal


Dear Samantha,


Kung ang pinag-aalala mo ay baka hindi kayo magkatuluyan ng boyfriend mo, wala kang dapat problemahin o ipag-alala dahil ayon sa zodiac sign mong Leo na pinaghaharian ng elementong fire o apoy, tunay ngang compatible kayo ng kasalukuyang boyfriend mo na may zodiac sign na Aries.


Sapagkat, ang Aries tulad din ng Leo ay pinaghaharian ng elementong fire o apoy at dahil nga pareho kayo ng elemento, sadya ngang tugma at compatible kayo para sa isa’t isa.


Sa pag-aanalisa namang Numerology ay ganundin, sadya ring magkatugma at magka-compatible ang birth date mong 6sa birth date na 12 o 3 (naging 3 ang 12 dahil 1+2=3) ng boyfriend mo, sapagkat kapwa kayo naiimpluwensyahan ng planetang Venus at Jupiter at ang mga numerong 6 at 3 ay kapwa kabilang sa grupo ng mga numero na kung tawagin ay “divisible by 3 o numerong series of 3-6-9.”


Ibig sabihin, sadyang tugma at magka-compatible kayo ng boyfriend mo, na nangangahulugang kayo na ang magkakatuluyan at nakatakdang magsama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya, na nakatakdang mangyari at maganap sa susunod na taong 2025 sa edad mong 27 habang 28 naman ang boyfriend mo.


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page