top of page
Search
BULGAR

Bebot, makakapag-abroad na magkakanobyo pa

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | June 5, 2023





KATANUNGAN

1. Sa palagay mo ba, Maestro, may chance akong makapag-abroad kahit na mahina ang aking loob, at walang pang-ayos ng mga papeles?

2. Kung susubukan kong mag-apply, susuwertehin kaya ako sa ngayong 2023 o sa susunod na taong 2024?

3. Nais ko rin sana malaman kung may suwerte ako sa aking love life, hanggang ngayon kasi ay wala pa akong nagiging boyfriend. Ang birthday ko ay September 10, 1996

KASAGUTAN

1. Tama ka, Anne, kahit mahina ang iyong loob, kinakitaan naman ng malawak at malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) ang kaliwa at kanan mong palad, walang duda, sa inilaan ng kapalaran, sa ayaw at sa gusto mo, naduduwag ka man o natatakot. May itatalang pangingibang-bansa sa iyong kapalaran at ito ay inaasahang magaganap sa panahon ding ito, bago matapos ang 2023.

2. Ibig sabihin, kahit na panghinaan ka pa ng loob at marami kang dahilan. Sa takdang panahon ang kapalaran ang gagawa ng paraan, upang ikaw ay matuloy sa pag-a-abroad.

3. Habang kapansin-pansin din ang isa at malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay tanda na kahit na wala kang boyfriend ngayon, tulad din na pangingibang-bansa, walang duda, kusa kang magkaka-boyfriend at sa bandang huli ay tuluyan mo na rin itong mapapangasawa at magkakaroon kayo ng isang masaya at panghabambuhay na pagpapamilya. Ang iyong makakatuluyan ay ang lalaking maliit ang height o medyo mababa sa pangkaraniwan ang kanyang asta o taas.

MGA DAPAT GAWIN

1. Anne, ayon sa iyong datos sa taon ding ito, kung sisimulan mo nang mag-ayos ng mga papeles, aabot sa last quarter ng 2023 at pinakamatagal na sa unang hati ng taong 2024, kahit sabihin pang mahina ang iyong loob at marami kang dahilan, wala kang magagawa sa nakatakda. Kung saan, sa nasabi ng panahon, itatala sa iyong kapalaran ang isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa.

2.Pagkalipas ng tatlo o apat na taon, sa taong 2026 hanggang 2027, kusa ka namang magkakanoby. Hindi ka makakatanggi sa kapalaran kung saan, sa nasabing panahon sa edad mong 30 hanggang 31 pataas, magaganap ang iyong pag-aasawa na hahantong sa isang simple pero maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page