ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | June 3, 2023
KATANUNGAN
Inaaya akong magpakasal ng boyfriend ko. Wala namang problema ro’n dahil nasa tamang edad na kami at mayroon na din stable job, pero nang makita ko ang aking Heart Line na putol, habang pabaluktot at pababa naman ang unang Marriage Line sa aking palad. Sa pagkakaalam ko at base sa inyong mga artikulo, ang ganu’ng guhit sa mga palad ay nangangahulugan na mahihiwalay sa asawa o mababalo. Tama ba?
Ito ang gumugulo sa isip ko ngayon, kaya parang natatakot akong mag-asawa. Pinangangambahan ko kasing baka hindi rin maging maligaya ang papasukin naming pagpapamilya.
Kung totoo na ganu’n ang mangyayari sa aking kapalaran, tama ba ang iniisip kong ‘wag na lang mag-asawa upang hindi ako makaranas ng kalungkutan?
KASAGUTAN
Sa totoo lang, wala namang permanenteng masaya. Sabi nga ng sikat na pintor na si Leonardo Da Vinci, “There is no perfect gift without great suffering,” ibig sabihin, bahagi ng buhay ang pagdurusa at pagkatapos nito, ikaw naman ay magiging maligaya.
Kaya kung ang itinakda sa iyo ng kapalaran ay mawalan ng asawa o magkaroon ng malungkot na love life, ‘wag kang matakot na danasin ‘yun dahil hindi porke nawala ang iyong asawa ay tapos na ang istorya ng iyong buhay. Sa totoo lang, hindi matatapos ang kuwento ng buhay ‘pag namatay ang bida, bagkus, kapag itinuloy ang istorya.
Bagama’t maaaring tama ka, Althea, na medyo negatibo nga ang nais ipahiwatig ng nabiyak o naputol na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.), na sinuportahan pa ng dumausdos na unang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, na nagsasabing may tendency na sa iyong pag-aasawa, ikaw ay mabalo o mahiwalay sa kanya.
Subalit tulad ng naipaliwanag na, hindi naman sa pagkawala ng iyong asawa natatapos ang kuwento ng iyong buhay. Sa halip, simula pa lang ito ng susunod na kabanata, kung saan ayon sa ikalawang mas malinaw, tuwid at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow c.) at sa ikalawang pag-aasawa, walang duda na habambuhay ka nang liligaya.
MGA DAPAT GAWIN
Habang ayon sa iyong datos, Althea, huwag kang matakot na harapin ang anumang hamon ng iyong kapalaran, mahirap man ito o masarap. ‘Ika nga nila, “Maganda ang bangka sa pampang lang, dahil hindi ito nababasa at nasisira, pero alalahanin mong ginawa ang bangka, para pumalaot sa dagat ng karanasan at para mabasa.”
Kaya nga, mabalo ka man o hindi, ang maganda mo pa ring magagawa ay ang mag-asawa, upang matapos ang mga kabiguan sa unang pag-aasawa, hindi ro’n matatapos ang istorya ng iyong buhay, sapagkat sa ikalawang pag-aasawa, magbubukas ang panibagong chapter ng iyong lovelife, isang maligaya at pang habambuhay na pagpapamilya ang sa iyo mag-aantay, (Drawing A. at B. 2-M arrow c.) sa piling ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra.
コメント