top of page
Search
BULGAR

Bebot, daranas ng iba’t ibang hirap bago matuloy sa pag-a-abroad

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | May 20, 2023




KATANUNGAN


  1. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung sakaling mag-immigrant kami sa ibang bansa, susuwertehin kaya kami? January 13, 1984 ang birthday ko, habang September 8, 1983 naman ang mister ko, at may isa kaming anak na isinilang noong March 4, 2001.

  2. Gayundin, nais kong malaman kung may chance ba akong makadalaw sa kapatid ko na nasa Canada? Kung mayroon, kailan ito mangyayari? Kung sakaling magpasya kaming mag-immigrant doon, tutulungan ba talaga kami ng kapatid kong ito?

  3. May hinuhulugan kaming bahay sa isang subdivision, pero 10 to 15 years pa matatapos ang hulog at balak namin itong ibenta. Maestro, mas okey ba kung itutuloy namin ang paghulog hanggang sa maging amin na ito o dapat na naming ibenta ang bahay?

KASAGUTAN


  1. Kapansin-pansin ang malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ang problema lamang, may Guhit ng Hadlang (d-d arrow b.) sa kanang palad, ibig sabihin hindi magiging madali para sa iyo ang pag-i-immigrant sa ibang bansa, sa halip, ito ay kailangang pagsikapan mo munang mabuti.

  2. Sa madaling salita, daranasin mo muna ang mga pagsubok at nakakapagod na pag-a-apply, at kapag hirap na hirap ka na, ito’y malinaw na indikasyong malapit ka nang matuloy o saka ka pa lang ito matutuloy.

  3. Ang pag-aanalisang paghihirapan mo muna ang lahat ng bagay na papangarapin mo sa buhay bago mo makamit — ‘ika nga, hard road to glory — ay madaling kinumpirma ng zodiac sign mong Capricorn at lagda mong medyo pababa, pero sa bandang huli ay tumaas din nang tumaas, hanggang sa sumibat sa langit. Ibig sabihin, sa kasalukuyan ay maraming pag-aalala at panghihina ng loob ang iyong nararanasan. Ngunit ‘wag kang mag-alala dahil sa bandang huli, mawawala rin ang lahat ng mga pagkabagabag sa isipan, hanggang sa tuluy-tuloy na humulagpos ang ligaya at ganap na kasaganahan.


MGA DAPAT GAWIN


  1. Wala kang dapat gawin sa ngayon, Dianne, kundi ang ipagpatuloy ang pag-a-apply bilang immigrant, pero ‘wag kang mag-expect na makakaalis ka agad. Kumbaga sa ginto, ito ay dinadalisay muna sa salaan upang kuminang, ganundin ang iyong kapalaran, tulad ng isang espada na pinagbabaga at pinupukpok na mainam ng panday, saka pa lamang kikinang at gaganda ang nasabing espada.

  2. Susubukin ka muna ng karanasan sa mga problema at balakid, at kapag nalagpasan mo ang lahat ng ito at sigurado namang malalagapsan mo sa taong 2027 at sa edad mong 43 pataaas, makakamit mo na ang lahat ng iyong mga pangarap sa buhay – isang masagana, maunlad at maligayang pamilya sa ibayong-dagat.


0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page