ni Jenny Rose Albason @Gulat Ka 'No?! | September 27, 2023
Kaya n’yo bang makasama sa kwarto ang isang delikadong hayop?
Well, ibahin n’yo si Kanchana Ketkaew ng Thailand dahil may kasama lang naman siya sa isang kwarto na 5,320 na venomous scorpions sa loob ng 33 days and nights.
Kung iisipin ay tila imposible ito dahil maaari siyang mamatay sa kamandag ng mga ito at masakit kaya masipit ng scorpion ‘no!
Alamin natin kung paano naka-survive si Kanchana mula sa delikadong challenge na ito.
Noong 2009, nagtala ng world record si Kanchana Ketkaew dahil tumira siya sa isang 12-m² na glass room kasama ang 5,320 na venomous scorpions, dahil dito ay tinagurian siyang “Scorpion Queen”.
Ilang scorpions ang nanganak sa loob ng kwarto, habang marami ang namamatay araw-araw.
Upang mapunan ang mga namatay, dalawang batch ng 1,000 na scorpions ang idinagdag para sa record attempt na ito.
Si Kanchana ay 13 beses nang natusok ng scorpion, gayunman, kaunti na lang ang epekto ng kamandag nito sa kanya dahil sa immunity na naipon niya sa loob ng maraming taon.
Kabaligtaran ni Nor Malena Hassan ng Malaysia, na unang nakapagtala ng rekord na ito noong 2001, mabilis siyang naka-recover mula sa anumang sugat na natamo niya. Halos matatapos na ang 30-araw na record attempt ni Nor, nang pitong beses siyang natusok at nawalan ng malay nang isang beses.
Ang record attempt na ito ni Kanchana ay inorganisa ng Ripley's Believe It or Not! Pattaya at naganap sa Royal Garden Plaza shopping mall ng lungsod, kung saan maraming turista at miyembro ng media ang nagtipon upang manood. Nilagyan ng TV, kama, mga libro at refrigerator ang glass room ni Kanchana.
Araw-araw ding pinapakain ni Kancha ang mga scorpion ng pinaghalong hilaw na itlog at giniling na baboy. Pinapahintulutan lamang siyang umalis para sa 15 minutong toilet break kada walong oras.
Ang 33-araw na stunt ay puno umano ng ups and downs para kay Kanchana, at naiulat na umiyak ito nang isang beses. Pagkalipas ng ilang buwan, noong Abril 2009, lumabas si Kanchana sa isang talent show na Lo Show dei Record upang makamit ang isa pang record na may kaugnayan din sa scorpion, ang “longest time to hold a scorpion in the mouth”. Nakapagtala si Kanchana ng record na may oras na 2 minutes and 3 seconds, na walang nakatalo sa loob ng apat na taon hanggang sa basagin ito ni Steve Ceriotto ng USA na may oras na 17 minutes and 17 seconds.
Imagine, ang scorpion ay isa sa mga delikadong hayop sa buong mundo pero nakaya itong makasama ni Kanchana sa kwarto sa loob ng isang buwan. Nakakamangha ang katapangan ni Kanchana dahil kung tayo nga ay takot na sa ipis, sa scorpion pa kaya?
Reminder lang mga ka-BULGAR, ‘wag natin basta-bastang gagayahin ang attempt na ito dahil sadyang napakadelikado at kinakailangan ito ng tulong ng isang propesyonal, okie??
Comments