ni Mabel Vieron @Special Article | June 8, 2023
Kaakibat ng pagbubuntis ang mga pagbabago sa katawan. Ang mga pagbabago na ito ay madalas nauugnay sa hormones, at pagbabago ng cardiovascular system at immune function. Kaya, hindi na dapat ikagulat kung magkaroon ka ng ilang mga isyu sa balat gaya ng mga panunuyo ng balat, pangingitim na tinatawag na chloasma o melasma, at acne.
Kaugnay ng iba’t ibang isyu sa balat, hindi maiiwasan na mag-isip ang mga mommy ng skin care na maaaring gamitin. Lalo na kung lumala ang mga pre-existing skin conditions tulad ng rosacea, at psoriasis.
Natural lamang ang kanilang concern, ngunit dapat pa rin maging maingat sa paggamit ng skin care.
Para magabayan ka sa pangangalaga mo ng iyong balat mas makakabuti pa ring magpakonsulta muna. Samantala, narito ang ilang skin care tips na maaaring makatulong sa iyo.
1. PAG-IWAS SA MATINDING SIKAT NG ARAW. Gumamit ng sun block sa iyong mukha araw-araw, upang maiwasan ang pangingitim. Makakatulong din kung hindi ka masyadong magbabad. Malaki rin ang nagiging factor ng iritasyon sa balat.
2. PAGGAMIT NG MILD SOAP. Inirerekomenda ng mga doktor ang paggamit ng mild na sabon sa panahon ng pagbubuntis, ngunit mas makakabuti ang paggamit ng moisturizing na sabon. Iwasan ang paggamit ng mga bubble bath at pagkiskis ng iyong balat araw-araw. Ito ay upang maiwasan ang pagdami ng stretch mark.
3. PAGSUSUOT NG KOMPORTABLENG UNDIES AT DAMIT. Ang tiyan ng mga buntis ay nangangailangan ng isang enriching physiological moisturizer. Pati na rin ng special maternity panties para hindi maipit ang balat ng kanilang lumalaking tiyan. Sa ganitong paraan maiiwasan ang friction ng balat at damit na sanhi ng pagsusugat stretch mark.
4. PAGGAMIT NG MALIGAMGAM NA TUBIG AT MILD CLEANSER. Hindi dapat kalimutan ng mga buntis na maghilamos ng mukha upang gumaan ang kanilang pakiramdam bago matulog sa gabi. Maaari rin silang gumamit ng maligamgam na tubig at mild cleanser upang matanggal ang mga dumi na kumapit sa kanilang mukha at katawan. Malaking bagay rin ito para hindi ma-haggard masyado habang nagbubuntis.
To all the moms out there, dapat na mag-double ingat sa paggamit ng skin care products. Kaya naman ipinapayo na magpakonsulta rin upang mabigyan ng rekomendasyon na dapat mong gamitin. Mahalaga na masiguro ng iyong OB-GYN at dermatologist na ligtas ang skin care products na iyong gagamitin. Lalo na kung umiinom ka ng prescription medications o nag-aalala ka tungkol sa pre-existing skin condition mo.
Tandaan mo rin na kailangan mong iwasan ang mga produkto na maaaring makasama sa iyo at sa iyong baby. Gets?
Comentarios