top of page
Search

Beauty queen, proud sa LGBT… MICHELLE, TOMBOY NOON, MISS UNIVERSE-PH NGAYON

BULGAR

ni Ma. Consuelo Nolasco @Special Article | May 20, 2023



Marco Gumabao at Cristine IG

Naglabasan sa TikTok page ang mga throwback photos ni Miss Universe-Philippines 2023 Michelle Dee noong siya ay teenager pa lamang.


Makikita sa compilation ng mga pictures ni Michelle before na 'boyish look' pala siya.


Maikli ang kanyang buhok at panlalaki pa ang pormahan niya.


Hindi mo nga aakalain na isa na siyang ganap na beauty queen ngayon, sapagkat ibang-iba na ang aura niya kumpara noon.


Kung kaya't maraming netizens ang labis na nagulat sa transformation ngayon ng bagong Miss Universe-Phils. na si Michelle.


"Gulat din ako na boyish pala siya kasi wala sa aura niya ngayon. Pati 'yung mouth niya, kapag nagsasalita siya, parehas lang din. So, ganyan pala talaga siya. Nabasa ko kasi na pasosyal siya magsalita because of her mouth. Feeling ko, palaban talaga 'tong si Dee, 'yung tipong gagawin ang lahat para manalo sa Miss Universe, kaya support lang ako!"


Ayon naman sa isang netizen, normal lang daw na dumaan sa ganitong stage ang isang teenager, "Maraming ganyan sa all-girls school, especially 'pag high school. Tomboy, tapos makikipagrelasyon sa other girls sa school. Pagtungtong ng college, with all the boys in school, balik-girl na ulit. In short, it's a phase."


Nagbigay naman ng suporta ang isang commenter kay Michelle, "Ang ganda niya, natural beauty.


'Yung alam mong nag-glow-up lang talaga, kaya pala medyo maangas siya magsalita.


Honestly, 'di ko siya bet sa MU-PH, pero I support her and I know may laban siya sa MU."


At matapos ngang mag-viral ang mga old pictures ni Michelle sa Tiktok na bihis-lalaki pa, bigla namang nag-post ang beauty queen ng "rainbow flag emoji" sa kanyang Instagram Story.


Ang "rainbow flag emoji" ay ang simbolong ginagamit upang kumatawan sa komunidad ng LGBTQIA+ at upang ipahayag ang pagiging kaisa nila rito.


Huwaw! Nakakamangha naman ang transformation na ito ng ating bagong Miss-U Phils. mula sa pagiging 'boyish' patungo sa pagiging isang classy, fearless at smart woman.


Anyway, suportahan natin si Michelle sa kanyang laban sa Miss Universe bago matapos ang taon.


Sana ay siya na nga ang makapag-uwi ng ika-limang korona sa Pilipinas.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page