ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | November 14, 2023
Masaya si Beauty Gonzalez sa nagaganap na mga collaboration projects between GMA-7 and ABS-CBN and given the chance, open din naman siya na gumawa ng collab projects sa dalawang giant companies.
Aniya ay wala naman siyang tulay na nasunog nang umalis siya sa Kapamilya para lumipat sa Kapuso.
“I’ve left in a very fine way naman,” aniya.
Inamin din ng aktres na nabura na ang plano niya noon na tumigil after 5 years sa show business.
Matatandaang last year ay sinabi ni Beauty na binibigyan na lang niya ang sarili ng 5 years sa showbiz at pagkatapos ay magreretiro na siya. Pero na-realize raw niya na ang pag-arte talaga ang nagbibigay ng happiness sa kanya, aside from her family, of course.
“Yeah, na-erase na. I mean, there were times na pagod ka as an artista, ‘Ay, laos na ‘ko, pagod na ‘ko, wala na ‘kong maibibigay.' And then suddenly, nu'ng na-realize ko na ‘What else am I gonna do?’ this really makes me happy. I feel so blessed that everybody loves me also here,” sey niya.
Isa pa raw sa mga nagpa-realize sa kanya na hindi siya dapat tumigil ay ang kanyang mister na si Norman Crisologo.
“Sabi niya, ‘Tange, this is where you belong, you should continue doing this,’ and I’m blessed na parang ‘Tama ka naman.’ So, ‘yun, balik na ako sa normal,” sey ng isa sa mga bida ng bagong GMA-7 series na Stolen Life.
Sa ngayon ay kabi-kabila pa rin ang proyekto ni Beauty. Aside from Stolen Life, may Metro Manila Film Festival 2023 movie rin siya at may isa pang film with Sid Lucero.
Comments